^

Bansa

Metro Manila isinailalim sa 'community quarantine' ni Duterte

James Relativo - Philstar.com
Metro Manila isinailalim sa 'community quarantine' ni Duterte
Kuha ni Pangulong Rodrigo Duterte habang tinatalakay ang resolusyon ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases laban sa COVID-19.
Video grab mula sa Facebook page ng PCOO

MANILA, Philippines (Update 2, 10:24 p.m.) — Itinaas na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sitwasyon ng coronavirus disease (COVID-19) sa Code Red Sublevel 2, Huwebes ng gabi.

"The crisis is very, very clear. COVID-19 is spreading all throughout the country," banggit niya.

Ito ang sinabi ni Digong matapos niyang talakayin ang mga resolusyong in-adopt ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para masawata ang pagkalat ng nakamamatay na sakit.

Kabilang sa mga ipatutupad ay ang sumusunod:

  • pag-extend ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa buong Metro Manila hanggang ika-12 ng Abril, 2020
  • pagbabawal sa planado o ispontanyong "mass gatherings" (protesta, pulong, etc.) sa panahong ito
  • 'community quarantine' ipatutupad sa buong Metro Manila
  • 'barangay-wide quarantine' oras na may dalawang COVID-19 positive patients mula sa magkaibang bahay sa iisang baranggay
  • 'municipality/city-wide quarantine' oras na makita ang ang dalawang kaso ng COVID-19 sa magkaibang baranggay na nasa iisang munisipalidad

Suspendido rin muna ang mga domestic na biyahe (sa mga kalsada, himpapawid at tubig) papasok at palabas ng Metro Manila mula ika-15 ng Marso hanggang ika-14 ng Abril, 2020.

Hihingiin ang tulong ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines para sa mahigpit na pagpapatupad nito.

Tiniyak naman ni Duterte na hindi siya nagdedeklara ng batas militar habang ipinatutupad ito.

"I do not want anybody interfering in your enjoyment as a citien of this republic. Ayoko na masita kayo ng police and the military. It could be messy," sabi ni Digong.

"If you are in this category... tapos malapit and social distancing is no longer obeyed... And if you insist... baka masuntok mo o ano, it becomes an assault... It will now ripen into a crime which is now punishable by law. And you can now go to prison."

Magkakaroon naman ng mas malaking laya ang mga lokal na pamahalan sa labas ng National Capital Region sa pagdedeklara ng suspensyon ng mga klase sa kani-kanilang mga lugar.

Paano ang trabaho?

Samantala, sinabi naman ni Digong na suspendido muna ang trabaho sa executive department sa panahong ito.

"Sa mga opisina, national, walang trabaho pero may mga skeletal. A few employees, volunteer or selected sila ang magpatakbo ng departamento," dagdag pa niya.

Inengganyo naman ng presidente ang pagpapatupad ng "flexible working arrangements" para sa pribadong sektor: "All manufacturing, retail and service establishments are advised to remain in operation."

Tuloy-tuloy naman ang mga operasyon ng LRT-1, LRT-2, MRT-3 at Philippine National Railways, ngunit magkakaroon ng mas malaking diin sa "social distancing," o pag-iwas sa masyadong paglapit sa iba pa.

CODE RED SUBLEVEL 2

COMMUNIUTY QUARANTINE

DEPARTMENT OF HEALTH

METRO MANILA

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with