Sara Duterte kumpirmado ang pagiging colonel ng Army reserve
MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Commission on Appointments ang pagkakatalaga ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at isa pang opisyal ng kanilang lungsod bilang colonel ng Philippine Army Reserve.
Miyerkules ng umaga nang humarap sa mga senador ang presidential daughter para sa kanyang ad interim appointment.
Kasamang na-promote bilang colonel si Davao Rep. Isidro Ungab, na katatanggal lang bilang chairperson ng House appropriations committee.
"Pakiramdam ko beauty queen ako ngayon, hindi sundalo," sabi ni Duterte Carpio sa Inggles, matapos tangunin ni Sen. Imee Marcos kung bakit takot sa kanya ang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.
The Commission on Appointment confirms the promotion of Davao City Mayor Sara Duterte as colonel of the Army's reserve force @PhilippineStar pic.twitter.com/DEPpm00CMG
— Paolo S. Romero (@PaoloSRomero) March 11, 2020
Bagama't kilalang tagasuporta ng presidente, at pinuno ng partidong Hugpong ng Pagbabago, nakuha nina Duterte-Carpio at Ungab ang pag-endorso ng mga administration at opposition senators.
Matatandaang tinanggal bilang chair ng komite sa Kamara si Ungab ngayong Marso matapos paratangan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang ilang mambabatas ng "pagluluto" ng ouster plot laban sa kanya.
Itinanggi naman ng nakababatang Duterte na may kinalaman siya sa pagkakatanggal ni Ungab: "Wala ang kinalaman sa removal niya," banggit niya sa CA members.
Ayaw naman magkomento ni Ungab sa isyu ng pagsibak sa kanya, lalo na't bahagi raw siya ng kasundaluhan.
"No comment lang muna. I’m in uniform eh," sabi niya sa ulat ng ABS-CBN.
Taong 2018 nang unang i-promite bilang colonel ng reserve force ng Armed Forces of the Philippines si Duterte-Carpio.
Parehong pinasok nina Sara at Ungab ang reserve force taong 2008. Dating opisyal ng Reserve Officers' Training Corps ang nahuli kung kaya't mahal na mahal daw niya ang serbisyo.
"There are occasions when kailangan mo yung reserve force. For example, when half of the troops were in Marawi, ang naiwan to take care of the area of jurisdiction ay kokonti lang so the reservists were user as a multiplying force," sabi niya. — may mga ulat mula kay The STAR/Paolo Romero at News5
- Latest