^

Bansa

Gastos sa COVID-19 testing 'sasaluhin ng Philhealth,' sabi ng Cabinet official

Philstar.com
Gastos sa COVID-19 testing 'sasaluhin ng Philhealth,' sabi ng Cabinet official
Sa litratong ito, makikitang nakapila ang isang babae, kasama ng iba pa, sa isang tanggapan ng Philhealth.
Interaksyon, File

MANILA, Philippines — Hindi na kailangang mag-alala ng mga nangangamba kaugnay ng nakamamatay na coronavirus disease dahil sasagutin na ito ng pamahalaan, ayon sa isang miyembro ng Gabinete.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) na raw ang bahala sa mga gastusin kaugnay ng pagpapatingin sa espesyalista.

"[P]ara na rin hindi mag-alala ang publiko pagdating sa mga gastusin ng mga indibidwal na nagnanais ng treatment," sabi ni Nograles sa ulat ng The STAR sa Inggles.

Ang Philhealth ay isa sa mga government-owned controlled corporations na pinatatakbo ng gobyerno.

Kasalukuyang nasa 33 na ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, bagay na ikinamatay na ng isa.

COVID-19 packages ng Philhealth

Sa panayam ng Philstar.com, sinabi ng Philhealth na maaaring mapakinabangan ang mga naturang benepisyo simula ika-30 ng Enero, 2020.

Narito ang maaaring i-avail sa naturang insurance company:

  • Isolation package - para sa mga patients under investigation (PUI) sa mga level 2-3 hospital na magpapa-quarantine o magpapaasikaso. Nasa P14,000 ang nasabing package. Maaari ring kunin ang P4,000 referral package para sa mga PUI na magpapa-refer sa mga "higher level facility."
  • Referral package - para sa mga PUI na unang nakita sa "lower level facility" ngunit kailangang mai-quarantine sa higher level facility. Maaaring kunin ang package na ito, na may case rate amount na P4,000, ng mga referring hospitals para sa paunang management, stablilization at paglilipat ng pasyente sa referral hospital.
  • Existing case rate package - maaaring kunin ito kaysa sa isolation package para sa mga may "Adult Respiratory Distress Syndrome, pulmonya, sepsis at hemodialysis" batay sa presentation and management habang nasa ward pa.

Ayon sa Universal Health Care (UHC) law, na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 2019, lahat ng Pilipino ay awtomatikong magiging miyembro ng Philhealth — dahilan para magkaroon ng health insurance ang lahat.

Sinasabing P22 bilyon ang kailangang pondo para maipatupad nang maayos ang UHC law noong unang taon nito.

Gayunpaman, ipinasa noong Enero 2020 ang Republic Act 11467, o panibagong sin tax law, na pagkukunan ng karagdagang P17 bilyon.

Ang pondong 'yan na gagamitin para sa pagpapatupad ng UHC ay kukunin mula sa dagdag na buwis galing sa electronic cigarettes, tabako at alak. — James Relativo at may mga ulat mula kina Franco Luna at The STAR/Alexis Romero

CABINET SECRETARY

KARLO NOGRALES

NOVEL CORONAVIRUS

PHILHEALTH

UNIVERSAL HEALTH CARE LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with