^

Bansa

Dahil sa COVID-19, 'state of public health emergency' idineklara

James Relativo - Philstar.com
Dahil sa COVID-19, 'state of public health emergency' idineklara
Mananatiling epektibo ang public health emergency hangga't hindi ito binabawi ni Duterte.
Presidential photo/Alfred Frias, File

MANILA, Philippines — Nagbaba na ng "state of public health emergency" sa buong Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte bilang tugon sa pagkalat ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19).

Sa Proclamation 922 na pinetsahang ika-8 ng Marso, sinabi ni Duterte sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea na ginagawa ito upang matindihin ang government response sa coronavirus.

"[A]ng deklarasyong ito ay mangangasiwa sa pagpapatupad ng mga importanteng nilalaman ng [Republic Act 11332] para harapin ang banta ng COVID-19, kasama ngunit hindi limitado sa sapilitang pag-uulat, pagpapatindi ng government response at measures at para makapagpatupad ng quarantine at disease control prevention measures," sabi ng papel sa Inggles.

Kasalukuyang nasa 10 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas:

  • 38-anyos na babaeng Tsino (gumaling na)
  • 44-anyos na lalaking Tsino (patay na)
  • 60-anyos na Tsinong babae (unconfirmed status, umuwi ng Tsina)
  • 48-anyos na Pinoy na nagtratrabaho sa Taguig (nasa ospital)
  • 62-anyos na Pinoy na madalas pumunta sa "Muslim prayer hall" sa San, Juan (nasa ospital)
  • 59-anyos na babae, na misis ng ika-5 kaso
  • 38-anyos na lalaking Taiwanese (nasa ospital)
  • 32-anyos na Pilipino (nasa ospital)
  • 86-anyos na Amerikanong lalaki (nasa ospital)
  • 57-anyos Pinoy, na nakasalamuha ng isa pang kumpirmadong kaso (nasa ospital)

Proklamasyon, anong ibig sabihin?

Narito ang mga ipinag-uutos ni Digong, alinsunod sa kapangyarihang iginagawad sa kanya ng Salibang Batas:

  • ideklara ang state of public health emergency sa buong Pilipinas
  • pag-aabot ng tulong at kooperasyon ng lahat ng ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan para imobilisa ang kinakailangang rekurso para maipatupad ang kritikal, pang-madalian at angkop na tugon para mapigilan at matapos ang banta ng COVID-19
  • maaaring tawagan ng kalihim ng Department of Health ang Philippine National Police at iba pang law enforcement agencies para magbigay tulong laban sa sakit
  • lahat ng mamamayan, residente, turista at nag-mamay-ari ng mga establisyamento ay inuutusang gumalaw alinsunod at sumunod sa batas para mapigilan ang lalong pagkalat ng sakit at para mapanatiling maigi ang lahat

Mananatiling epektibo ang public health emergency hangga't hindi ito binabawi ni Duterte.

Aniya, magbibigay kapangyarihan ang deklarasyon sa government agencies at local government units upang "mabilis na mapigilan ang pagkawala ng buhay," "mapahupa ang epekto at tama sa komunidad," "maiwasan ang matinding pagkaantala sa paggana ng gobyerno at komunidad" at iba pa. — may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero

NOVEL CORONAVIRUS

PUBLIC HEALTH EMERGENCY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with