^

Bansa

Pasok sa trabaho, eskwela tuloy - Palasyo

Ludy Bermudo, Mer Layson, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pasok sa trabaho, eskwela tuloy - Palasyo
Wala rin umanong ba­lak si Pangulong Duterte na limitahan ang public engagement nito dahil marami pang nakahanay na schedule na aktibidad ang Presidente at wala pa namang kinakansela.
The STAR, File

MANILA, Philippines — Sa kabila ng banta ng COVID-19, hindi pa rin magsususpinde si Pa­ngulong Rodrigo Duterte ng trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno ma­ging ng klase sa mga eskwelahan.

Ito’y kahit aprubado na ni Pangulong Duterte ang State of Public Health Emergency at nasa Code Red na ang bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi naman crowded o matataong lugar ang mga tanggapan ng pamahalaan.

Nakasalalay na rin aniya sa lokal na pamahalaan ang pagdedesisyon kung magsususpinde ng klase kung sa tingin nila ay mayroong panganga­ilangan.

Wala rin umanong ba­lak si Pangulong Duterte na limitahan ang public engagement nito dahil marami pang nakahanay na schedule na aktibidad ang Presidente at wala pa namang kinakansela.

Wala rin umanong plano ang Palasyo na magpatupad ng lockdown sa buong Malacañang complex.

Una rito, nagsuspinde ng klase ang Navotas City, at mga bayan ng Cainta at Taytay sa Rizal, ngayong Lunes at Martes, matapos na kumpirmahin ng DOH na anim na ang naitatala nilang confirmed COVID-19 cases sa Pilipinas.

Nagsuspinde na rin ng pasok sa lahat ng level ang San Juan at Marikina.

Nanawagan din sina Sens. Joel Villanueva at Risa Hontiveros sa mga employers na payagan ang kanilang mga em­pleyado na magtrabaho sa kanilang mga bahay o i-adopt ang telecommuting o work from home arrangements sa kanilang mga kumpanya para makatulong na huwag ng kumalat pa ang COVID.

PUBLIC HEALTH EMERGENCY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with