^

Bansa

Gamboa nakalabas na ng ospital

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakalabas na kahapon sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig si PNP Chief Gen. Archie Gamboa.

Kinumpirma rin ni acting PNP spokesperson Benigno Durana na posibleng ngayong araw (Marso 7) ay makalabas na rin ng ospital si P/Brig. General Bernard Banac.

Ani Durana, diretso sa PNP headquarters sa Camp Crame si Gamboa kung saan oobserbahan siya ng mga doktor ng PNP Health Service.

Sa Lunes sinabi ni Gamboa na balik-trabaho na siya sa PNP.

Nananatili naman sa intensive care unit (ICU) si Police Major Jose Maria Victor Ramos dahil sa tinamo nitong facial fractures o pinsala sa mukha at bungo.

Bukod kay Gamboa, nakalabas na rin kahapon ang aide ni Gamboa na si P/Capt. Keventh Gayramara habang naka-confine pa rin ang dalawang piloto na sina P/Lt. Col. Ruel Zalatar at P/Lt. Col.Rico Macawili, at Senior Master Sgt. Louie Estina, helicopter crew.

Naka-confine pa rin sa Asian Hospital si P/Major General Mariel Magaway, PNP Director for Intelligence.

GAMBOA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with