Singil sa kuryente tataas ngayong Marso
MANILA, Philippines — Bahagyang tataas ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Marso.
Sinabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, P0.0278 kada kilowatt hour (kwh) ang magiging pagtaas sa bayarin sa March bill ng mga consumer.
Nasa P0.18/kwh ang itinaas ng generation at transmission charge ngunit dahil mayroong utos ang Energy Regulatory Commission (ERC) na refund ay nabawasan ang halaga ng itataas sa presyo ng kuryente.
Ang mga tahanang kumukonsumo ng 200 kwh kada buwan ay magkakaroon ng P5.60 dagdag sa kanilang bayarin ngayong Marso habang P8.40 dagdag sa kumokonsumo ng 300 kwh kada buwan.
Aabot naman sa P11.20 ang dagdag sa bayarin ng mga nakakagamit ng 400 kwh habang P140 sa bill na kumokonsumo ng 500 kwh kada buwan.
- Latest