ACT-CIS magpapatayo ng Dialysis Center
MANILA, Philippines — Plano ng ACT-CIS na magpatayo ng isang Dialysis Center sa Metro Manila para higit pang makatulong sa mga mahihirap at may sakit na pasyente sa bansa.
Ayon kay Cong. Eric Yap, libre ang pagpapagamot sa ipapatayong dialysis center.
May ilang private firms na rin ang nag-pledge na magbibigay ng anim na dialysis machine sa ACT-CIS.
“Kailangan muna naming maghanap ng isang gusali na paglalagyan ng mga makina, kama at iba pang pasilidad na magagamit ng mga pasyente” anang mambabatas.
Magha-hire din ang ACT-CIS ng doktor, nurse at iba pang medical staff para magpatakbo ng mga nasabing makina at personal na tumingin sa mga pasyente.
Sa ngayon, ani Yap ay libo-libong Pilipino ang dina-dialysis araw-araw sa buong bansa dahil sa sakit sa kidney at iba pang karamdaman.
Ang libreng dialysis ay bahagi ng pangako ng ACT-CIS na tumulong sa mga mahihirap at walang malapitang pamilya sa kanilang pagpapagamot.
- Latest