^

Bansa

Kudeta vs Cayetano itinanggi ni Velasco

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ni Marinduque Rep. Lord Velasco na nagpaplano na siya ng kudeta laban kay House Speaker Alan Peter Cayetano at paggamit sa ilang isyu tulad ng pambansang pondo at sa franchise ng ABS-CBN.

Ayon kay Velasco, malayo sa katotohanan ang balitang ito dahil patuloy niyang iginagalang ang hatian sa termino ng pagka-Speaker sa kanilang dalawa ni Cayetano na nauna na nilang napagkasunduan sa harap ni Pangulong Duterte.

Wala rin umano siyang balak na sirain ang kasunduan dahil siya ay lalaking may isang salita. 

Naniniwala naman si Velasco na pinapalutang lamang ito para lumikha ng dibisyon o mahati lalo ang mga kongresista. 

Giit pa ni Velasco, ang isyu ay sigurado na gawa ng isang taong may pansariling interes na layong buwagin ang samahan ng mga mambabatas, magambala at magulo ang mga kongresista sa pagtupad sa kanilang mandato at madiskaril ang isinusulong na legislative agenda ni Pangulong Duterte.

Ang reaksyon niya ay kaugnay sa pahayag ni Ca­yetano at ng isang source na may pinaplanong kudeta si Velasco at ginagamit lang ang isyu ng pambansang pondo at ABS-CBN franchise.

KUDETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with