Pagdinig ng 2 komite sa energy issue kinuwestyon
MANILA, Philippines — Kinuwestyon ng House Committee on Public Accounts at Good Government and Public Accountability ang hurisdiksyon kaugnay sa pagdinig na may kinalaman sa isyu ng enerhiya.
Sa ginanap na pagdinig ng dalawang komite, kinuwestyon nina Philippine Rural Electric Cooperative Association (Philreca) partylist Rep. Presley de Jesus, Deputy Speakers Johnny Pimentel at Prospero Pichay kung bakit dininig ito ng dalawang komite.
Ayon kay Anakalusugan Rep. Michael Defensor, chairman ng committee on public accounts, ni-refer lang ito sa kanyang komite at sa Good Government and Public Accountability na pinamumunuan ni Bulacan Rep. Jonathan Alvarado ng Committee on Rules.
Hindi anila maaaring panghimasukan ang wisdom ng Committee on Rules kaya hindi nila ito maaaring kuwestyunin.
Subalit iginiit nina Pimentel at Pichay dapat ang duminig ng mga isyu tungkol sa isyu ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALMS) ay ang committee on energy.
Ipinagpatuloy ang pagdinig sa isyu ng PSALMS kaugnay sa sisingilin at sa nakatakdang papasuking kontrata ng independent power producers sa ahensiya sa kabila ng naunang ulat ni PSALM president and Chief Operating Officer Atty. Irene Besido-Garcia.
Ipinagpatuloy naman nina Defensor at Alvarado ang diskusyon kaugnay sa receivables ng PSALM at kung paano ito makakakolekta ng bilyong piso.
- Latest