^

Bansa

PANOORIN: Imbis ipahid sa noo, abo ibinudbod sa bumbunan ngayong Ash Wednesday

Philstar.com
PANOORIN: Imbis ipahid sa noo, abo ibinudbod sa bumbunan ngayong Ash Wednesday
Ibinubudbod ng isang taong Simbahan ang abo ng sinunog na palaspas sa ulo ng mananampalataya sa Quiapo Church, ika-26 ng Pebrero.
Mula sa Twitter account ng Quiapo Church

MANILA, Philippines —  Natuloy sa ilang simbahan ang planong pagbabago sa tradisyon ng mga Katolikong Pinoy ngayong Ash Wednesday sa gitna ng pagsusumikap laban sa nakamamatay na sakit na naglipana sa Asya at iba’t ibang bansa.

Ginawa ito sa payo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, na kumitil na sa buhay ng libu-libo.

Sa National Shrine of Our Mother of Perpetual Help sa Baclaran, Parañaque, makikitang ibinubudbod na lang sa ulo ng mga nakapilang nagsisimba ang tuyong abo, na nakariwang ipinapahid nang basa para gumuhit ng krus.

Maaga pa lang, ganyan na rin ang naging eksena sa Quiapo Church, na siyang tahanan ng tanyag na imahen ng Itim na Nazareno.

Sa kabila ng kakaibang gawi, sinabi ni CBCP President Davao Arsobispo Romulo Valles na hindi ito pagbabago ngunit “alinsunod sa sinaunang gawain ng Simabahan."

“Sa binyag, pinahiran tayo sa tuktok ng ating ulo. Ang abong ilalagay sa ulo ay sinyales ng ating paghingi ng tawad sa nagawang kasalanan, na siyang nilalabanan ng binyag,” ipinaliwanag ng Arsobispo ng Davao sa Inggles.

Ang CBCP, sa pangunguna ni Valles, ay una nang nagdagdag ng patnubay para maiwasan ang mabilis na pagkakalat ng nakakahawang COVID-19 habang papalapit ang Kwaresma.

Pinayuhan niya ang mga mananampalataya na wag halikan at hawakan ng tao ang krus. Sa halip, sila ay hiniling niyang yumuko na lang ang mga nabanggit sa harapan ng rebulto ng Panginoong Hesukristo. 

Noong Enero naman, ang asamblea ng mga obispo ay nanghikayat din na wag maghawakan ng kamay tuwing dadasalin ang “Ama Namin” 

Pinaiiwas din ang lahat ang pagbeso-beso tuwing “sign of peace,” habang inirerekomenda naman na gamitin ang kamay tuwing tatanggap ng komunyon. 

Ang mga abong ginamit ngayong araw ay nagmula sa sinunog na palaspas na iwinagayway noong Palm Sunday ng nakalipas na taon. Philstar.com intern Cody Perez at may mga ulat mula sa The STAR at News5

ASH WEDNESDAY

CATHOLICS BISHOP CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

NOVEL CORONAVIRUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with