^

Bansa

59 OFWs sa Diamond Princess positibo sa COVID-19

James Relativo - Philstar.com
59 OFWs sa Diamond Princess positibo sa COVID-19
Sa mga nagpositibo, dalawa na ang gumaling at napalabas ng ospital. Gayunpaman, hindi pa rin sila magiging bahagi ng repatriation plan bukas.
AFP/Philip Fong

MANILA, Philippines — Umabot na sa 59 Pilipinong tinamaan ng nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa M/V Diamond Princess na Japan, balita ng Department of Health, Lunes.

Tinatayang nasa 2,600 na ang namamatay sa sakit, matapos madagdagan ng 150 mula Tsina, ayon sa ulat ng AFP.

"Sa ngayon, 59 sa 538 na [overseas Filipinos] mula sa cruise ship ay kumpirmadong may COVID-19," sabi ni Maria Rosario Vergeire, assistant secretary ng DOH, sa Inggles.

Nasa 400 naman ang sinasabing nagnegatibo sa sakit, habang ang mga asymptomatic, o hindi nagpapakita ng sintomas, ay papayagang makauwi ng Pilipinas bukas.

Sa mga nagpositibo, dalawa na ang gumaling at napalabas ng ospital. Gayunpaman, hindi pa rin sila magiging bahagi ng repatriation bukas.

"Habang tumatakbo ang 14-araw na quarantine procedure sa New Clark City, 20 medical teams mula sa DOH hospitals ang mamamahala sa pasilidad," dagdag pa ni Vergeire.

Sa ngayon, apat na bansa na ang may mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19, dahilan para umabot na sa 63 ang tinamaan sa ibayong-dagat: 

  • Japan (59)
  • United Arab Emirates (2)
  • Hong Kong (1)
  • Singapore (1)

Sa Pilipinas naman, umabot na sa 132 ang naka-admit na patients under investigation kaugnay ng sakit.

  • Cordillera Administrative Region (1)
  • Cagayan Valley (2)
  • Ilocos (1) 
  • Central Luzon (1)
  • National Capital Region (105)
  • CALABARZON (5)
  • Bicol (5)
  • Eastern Visayas (2)
  • Central Visayas (2)
  • Northern Mindanao (1)
  • Soccsksargen (1)

Kanina, matatandaang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na sinisimulan na ng Singapore ang ilang pag-aaral kung epektibong panlaban sa virus ang virgin coconut oil.

Bagama't dumarami na ang COVID-19 sa South Korea, tiniyak naman ng DOH na wala pa ring nahahawang Pilipino roon.

Una nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na posibleng talakayin ng task force on emerging infectious diseases kung magpapataw na ng travel ban sa South Korea— may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

DIAMOND PRINCESS

JAPAN

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with