^

Bansa

Crackdown vs POGO workers inilarga ng China

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinutugis na ng China ang mga mamamayan nito na hinihinalang gumagawa ng mga telecommunication fraud tulad ng sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na lumalaganap sa Pilipinas.

Ito ang nabatid sa napaulat na pahayag ng embahada ng China sa Pilipinas kasabay ng isa pang ulat na kinakansela ng Beijing ang mga passport ng mga Chinese national na nagtatrabaho sa mga POGO.

“Para masugpo ang mga cross-border telecommunication fraud crimes, nakakuha ang Ministry of Public Security ng China ng listahan ng mga Chinese national na hininalang nakaka­gawa ng mga long-term telecommunication fraud crimes sa ibang bansa,” sabi ng embahada.

Ayon sa Chinese Embassy, laging inoobliga ng China ang mga mamamayan nito na sumunod sa mga lokal na batas ng ibang bansa at huwag magtrabaho nang iligal dito.

Idinagdag pa ng embahada na mahigpit itong nakikipag-ugnayan sa pamahalaan ng Pilipinas kaugnay ng naturang usapin.

Libu-libong Chinese national ang nagtatrabaho sa POGO industry dahil iligal sa China ang online gaming.

Gayunman, ang pagdagsa ng mga Chinese worker ay nagdala sa Pilipinas ng mga problemang tulad ng tax violations, kidnapping, prostitution, at ang na­bun­yag kamakailan na panunuhol ng mga iligal na Chinese sa mga tauhan ng Bureau of Immigration.

Sinabi pa ng embahada na nais ng China na patuloy na makipag-ugnayan sa Pilipinas para malabanan ang mga krimeng tulad ng telecommunications fraud, illegal online-gambling, money-laundering, illegal employment, kidnapping, extortion, murder, at iba pa para mapangalagaan ang interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa at maitaguyod ang China-Philippines friendship and cooperation.

PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with