^

Bansa

Chinese workers na nakinabang sa ‘pastillas’ modus ipapa-deport

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Chinese workers na nakinabang sa âpastillasâ modus ipapa-deport
Matatandaang humarap sa pagdinig sa Senado si Immigration officer Allison Chiong na nagsiwalat na hindi na dumadaan sa tamang proseso ang mga Chinese na ang mga pangalan ay nakatimbre na sa BI.
Bureau of Immigration Facebook page

MANILA, Philippines — Ipapa-deport ang mga Chinese workers na illegal na pumasok sa bansa at nakinabang sa “pastillas” modus sa airport.

“Basta ‘yung mga iligal pababalikin natin sa pinanggalingan nila. Basta may iligal na ginawa, ang presidente natin palaging (sinasabi) ipatupad ang batas,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Matatandaang humarap sa pagdinig sa Senado si Immigration officer Allison Chiong na nagsiwalat na hindi na dumadaan sa tamang proseso ang mga Chinese na ang mga pangalan ay nakatimbre na sa BI. Pinangalanan din niya ang naturang mga opisyal.

Bunsod nito, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsibak sa lahat ng opisyal at empleyado ng BI na sangkot sa nasabing modus.

Iimbitahan ng komite ni Sen. Risa Hontiveros ang ilan sa mga pinangalanang opisyal na sabit sa “pastillas” scheme. 

Sinasabing lumaganap ang krimen sa pagsulpot ng POGO industry sa bansa kabilang na ang prostitusyon, kidnapping ng kapwa nila Chinese workers at tax evasion.

CHINESE WORKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with