^

Bansa

Robredo: Hindi ko ipinaa-oust si Duterte

James Relativo - Philstar.com
Robredo: Hindi ko ipinaa-oust si Duterte
"Hayagan ko pong sinasabi: Hindi ako bahagi ng anumang panawagang bumaba sa puwesto si Pangulong Duterte. Ang panawagan ko lang, sana gawin nating lahat ang trabaho natin bilang mga lingkod-bayan," sabi niya, Huwebes.
The STAR/Krizjohn Rosales, File

MANILA, Philippines — Inilinaw ni Bise Presidente Leni Robredo na bagama't suportado niya ang karapatan ng mamamayang magkilos-protesta sa ika-22 ng Pebrero, hindi siya bahagi ng mga planong pababain ng pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

"Hayagan ko pong sinasabi: Hindi ako bahagi ng anumang panawagang bumaba sa puwesto si Pangulong Duterte. Ang panawagan ko lang, sana gawin nating lahat ang trabaho natin bilang mga lingkod-bayan," sabi niya, Huwebes.

Tungkol sa nasabing mobilisasyon, sinabi ng ikalawang pangulo na, "sagrado" ang karapatan ng mamamayang magtipon at ipahayag ang kanilang saloobin.

Gayunpaman, idiniin ni Robredo na sana'y gamitin ito para lamang mapahayag ang hinaing at panagutin ang mga lingkod-bayan alinsunod sa itinatakda ng Saligang Batas.

"Tiwala rin akong walang magiging lugar sa ating hanay ang mga panawagang hindi alinsunod sa ating Saligang Batas at ang anumang karahasan," kanyang panapos.

Matatandaang isinama si Robredo, at 35 iba pa, sa mga inireklamo ng sedisyon, dahil sa diumano'y tangkang destabilisasyon at pagpapabagsak sa administrasyong Duterte kaugnay ng "Ang Totoong Narcolist" video series, na nag-uugnay sa kanya at iba pang malapit sa kanya sa kalakalan ng droga.

Gayunpaman, nakalusot si Robredo sa kaso, kasama ng iba pang opposition leaders gaya nina Sen. Risa Hontiveros, Sen. Leila de Lima at mga Otso Diretso senatorial candidates.

Sa kabila nito, tuloy pa rin ang reklamo kina dating Sen. Antonio Trillanes VI at iba pa "conspiracy to commit sedition."

Nakapaghain naman na sina Trillanes ng kani-kanilang mga piyansa para sa pansamantalang kalayaan. — James Relativo

vuukle comment

LENI ROBREDO

OUSTER

RODRIGO DUTERTE

SEDITION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with