^

Bansa

'Ban kung ban': DILG maghihigpit vs tricycle, pedicab sa highways

Philstar.com
'Ban kung ban': DILG maghihigpit vs tricycle, pedicab sa highways
"Matagal na nating ipinagbawal ang tricycles at pedicabs sa national highway ngunit ang daming pasaway,” sabi ni Año.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Naglabas ng kanyang galit sa mga "pasaway" tsuper ng tricycle at pedicab si Interior Secretary Eduardo Año dahil sa patuloy nilang pag-iral sa mga national highway kahit matagal na itong ipinagbabawal ng batas.

"Matagal na nating ipinagbawal ang tricycles at pedicabs sa national highway ngunit ang daming pasaway, sabi ni Año.

Aniya, parte ito ng operasyon ng Department of the Interior and Local Government para tanggalin ang mga harang sa mga daanan kung kaya't idinidiin ito sa mga lokal na pamahalaan.

Una nang nagtakda ng 75-araw na taning ang DILG pagdating sa panibagong round ng road-clearing operations, alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabawi ang pampublikong mga daanan.

Saklaw ng hihigpitan ang mga sasakyang tricycle, motorized pedicab at pedicab sa kahabaan ng nasabing mayor na kalsada.

Tuloy niya, "Hindi lang ito nakakasagabal sa daan kundi nagiging sanhi rin ng sakuna sa kalye. Kaya dapat nang maging mahigpit ang mga mayor at ang pulis at siguruhing maipapatupad ang ban na ito." 

Pwede ang mga tricycle at pedicab sa mga national highway kung ito na lamang ang natitirang daan para sa kanila, ngunit hindi lahat ng dumadaan dito ay nasa tama. Meron pa rin bumabagtas dito bilang "shortcut" sa kanilang mahabang ruta. 

Ang batas na nagtatakda dito ay ang Memorandum Circular 2007-01:

"For safety reasons, no tricycles or pedicabs will operate on national highways utilized by 4-wheel vehicles greater than 4 tons and where normal speed exceed 40 KPH. However, the SP/SB may allow if there is no alternate route."

Ang kautusan ay nagawa noong 2007, ngunit makalipas ang  13 taon, patuloy pa rin ang pagsaway dito ng ilan.

Ayon sa World Health Organization (WHO) noong 2016, 43% ng mga aksidente sa kalsada sa Southeast Asia mula sa mga two o three-wheeled vehicle. 

Taong 2016, matatandaang naitala ang 2,658 disgrasya kaugnay ng mga tricycle, ayon kay John Juliard Go ng WHO Philippines. Philstar.com intern Cody Perez at may mga ulat mula sa News5

ACCIDENTS

EDUARDO ANO

PEDICAB

ROAD-CLEARING

TRAFFIC

TRICYCLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with