Trillanes nagpiyansa sa kasong 'conspiracy to commit sedition'
MANILA, Philippines (Update 2, 12:35 p.m.) — Nakapagpiyansa na si dating Sen. Antonio Trillanes IV matapos kaugnay ng hinaharap na reklamo dahil sa lumabas na "Ang Totoong Narcolist" video series na nagdidikit kina Pangulong Rodrigo Duterte, kanyang pamilya at kanyang mga kaalyado sa kalakalan ng droga.
Ang piyansa ay para sa kasong "conspiracy to commit sedition" sa mga diumano'y planong pagpapatalsik sa pwesto kay Duterte sa pamamagitan ng pagtatanim ng galit sa mga tao.
WATCH: Former Senator Antonio Trillanes IV posts bail for the conspiracy to commit sedition case filed against him at the Quezon City Metropolitan Trial Court on Tuesday. pic.twitter.com/CMpxKDDclf
— The Philippine Star (@PhilippineStar) February 18, 2020
Martes ng umaga nang lumapag ng Ninoy Aquino International Airport si Trillanes mula sa Estados Unidos dahil sa ilang engagements.
LOOK: Sen Trillanes arrives in the country from his out of the country engagements.
—He is set to file bail for his sedition case today. @News5AKSYON @onenewsph pic. twitter.com/0LrRYf0yCJmarie annlos banos (@maeannelosbanos) February 18, 2020
Nakatakdang ihain ni Trillanes ang kanyang piyansa ngayong araw kaugnay ng reklamong "conspiracy to commit sedition" dahil sa mga diumano'y plano para patalsikin sa pwesto si Duterte sa pamamagitan ng pagtatanim ng galit sa mga tao.
Una nang sinabi ni Trillanes na hindi niya tatakasan ang kaso kahit na nasa ibang bansa siya.
"
Una
Kasama sa reklamo si Peter Joemel Advincula, alyas "Bikoy," na bumaliktad at tumestigo laban kina Trillanes.
Kahapon nang maghain ng P10,000 piyansa si Advincula sa Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 138 para sa kanyang pansamantalang kalayaan. — may mga ulat mula sa News5
Abangan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito.
- Latest