Regulasyon sa medical marijuana kinokonsidera
MANILA, Philippines — Ikinokonsidera ng Dangerous Drug Board ang pagpapalabas ng regulasyon sa medical use ng marijuana derivative cannabidioil sa bansa.
Sinabi ni DDB Chairperson Catalino Cuy na, kung mapagtitibay ang panukalang regulasyon, hindi na kailangan ang hiwalay na batas para sa medical marijuana na isinusulong ng ilang sektor at mambabatas.
“Sa regulasyong ito, hindi na kailangan ng hiwalay na batas sa medical marijuana dahil meron nang mga mekanismo para mapahintulutan ang paggamit ng CBD-based medication na hindi hihigit sa 0.1 percent ang taglay na tetrahydrocannabinol na siyang kemikal na responsible sa psychological effect ng marijuana.
Ang panukalang regulasyon ay sinasabing inaprubahan sa prinsipyo ng drug-policy making body ng pamahalaan pero kukumpirmahin pa ng Board sa susunod na pulong. Ito ay ikinonsulta sa iba’t-ibang sektor para mapanilisa ang panukalang regulasyon sa paggamit ng CBD sa gamot.
Nilinaw ni Cuy na ang paggamit, pagtatanim at produksyon ng marijuana ay nananatiling bawal sa bansa, kahit sa panglibangan o panggagamot ng sakit.
Sinabi pa ng DDB na ang compound lang na CBD ang ikinokonsidera ng pamahalaan na papahintulutan sa paggamot ng ilang sakit tulad ng rare form ng epilepsy gaya ng Lennox-Gastaut at Dravet Syndrome.
- Latest