Ex-CJ Bersamin bagong GSIS chief
MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong pinuno ng Government Service Insurance System (GSIS) si retired Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin.
Ayon kay Sen. Christopher “Bong” Go, nakapanumpa na rin si Bersamin kay Duterte noong nakaraang linggo.
Oktubre 2019 nang magretiro si Bersamin bilang ika-25 na chief justice ng Korte Suprema.
Matatandaang noong Hulyo 2019, itinalaga bilang officer-in-charge ng GSIS si Rolando Macasaet matapos magbitiw sa puwesto si Jesus Clint Aranas.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na may nakuwestiyon sa pamamalakad ni Aranas sa GSIS na nagresulta sa kawalan ng kumpiyansa ng Pangulo sa GSIS chief.
- Latest