^

Bansa

Police General na nanghablot ng cellphone ng TV reporter noong Traslacion muling na-promote

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang linggo matapos na umangat ng posis­yon si Brig. Gen. Nolasco Bathan, ang heneral na nasangkot sa panghahablot ng cellphone ng TV reporter noong Traslacion ay muli itong na-promote sa ikalawang pagkakataon sa panibagong balasahan sa mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac, inaprubahan ni PNP Chief Police General Archie Gamboa ang promosyon ni Bathan bilang Deputy Regional Director for Administration ng National Capital Region Police Office, o no. 2 man ng NCRPO.

Si Bathan ay dating director ng Southern Police District na natalaga bilang NCRPO’s deputy director for operations (DRDO) nitong nakalipas na Pebrero 6.

Nabatid na pinalitan naman ni Bathan si Brig. Gen. Herminio Tadeo na natalaga naman bilang bagong Director ng Health Service ng PNP.

Samantalang pumalit naman kay Bathan bilang bagong DRDO ng NCRPO ay si Brig. Gen. Florendo Quibuyen. Sina Bathan at Quibuyen ay pawang produkto ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class 1989.

Ayon pa sa opisyal si Col Steve Ludan naman ang pumalit kay Quibuyen bilang Executive Officer ng PNP-Directorate for Research and Development. 

Ang panibagong puwesto ng nasabing mga opisyal ay epektibo nitong Biyernes.

 Magugunita na si Bathan ang opisyal ng PNP na naging kontrobersyal sa panghahablot ng cellphone ni GMA television reporter Jun Veneracion sa kasagsagan ng Traslacion ng Itim na Nazareno noong Enero.

NOLASCO BATHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with