Palasyo dedma sa ‘oust Duterte’
MANILA, Philippines – Binalewala ng Malacañang ang kumalat sa social media na “Oust Duterte” People Power sa EDSA sa February 22-23.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, naniniwala silang hindi magtatagumpay ang mga kritiko ni Pangulong Duterte dahil majority ng mga Pilipino ang sumusuporta sa kanyang administrasyon.
Batay aniya sa resulta ng mga survey, nasa 86-87 percent ng mga Pilipino ang naniniwala at nagtitiwala sa mga ginagawa ng Presidente.
“Palagi naman silang ganyan kung ano-anong pamamaraan ang ginagawa nila, pero 86 % to 87% kampi kay Presidente,” wika ni Panelo.
Hindi naman nabahala ang Palasyo sakaling patulan ng mga tao ang ikinakasang rally umano laban sa Pangulo dahil bahagi lamang ito ng freedom of expression ng mga taong nais maglabas ng kanilang hinaing sa gobyerno.
Walang natukoy na grupo kung sino ang nasa likod ng Oust Duterte rally na nakatakda sa susunod na linggo na paggunita din sa EDSA People Power 1.
- Latest