^

Bansa

Hindi ko makita ang lipunan na walang ABS-CBN — ex-CBCP president

James Relativo - Philstar.com
Hindi ko makita ang lipunan na walang ABS-CBN — ex-CBCP president
"Isa ako sa mga nanalangin na ang prangkisa ng ABS-CBN ay ma-renew," ani Villegas noong Martes.
Litrato mula sa CBCP

MANILA, Philippines — Kasama ngayon sa mga panalangin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na muling ma-renew ang prangkisa ng isa sa mga pinakamalaking media companies sa bansa, kasunod ng pagkakabinbin nito sa Konggreso at quo warranto petition na inihain ng solicitor general.

Sa ulat ng parehong kumpanya, sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na sana'y manatili sa ere ang ABS-CBN.

"Isa ako sa mga nanalangin na ang prangkisa ng ABS-CBN ay ma-renew," ani Villegas noong Martes.

"Inaangkin ko na akin ‘yon... I cannot see a society without ABS-CBN."

Kasalukuyang nakahain ang halos isang dosenang panukalang batas sa Konggreso na humihiling sa pagpapanibago ng prangkisa ng Kapamilya Network.

Samantala, ipinababawi naman ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema ang prangkisa ng ABS-CBN bunsod ng diumano'y kwestyonableng pamumuhunan ng mga banyaga rito at pagpapatakbo nila ng channel na KBO ng walang permit mula sa gobyerno.

Una nang sinabi ng ng "Dos" na kinuha nila ang lahat ng kinakailangang permiso at dumaan sa pag-apruba ng Securities and Exchange Comiission at Philippine Stock Exchange ang mga Philippine Deposit Receipts ng ABS-CBN Holdings.

"Lahat ng aming broadcast offerings, kasama ang KBO, ay nakakuha ng mga kinakailangang pagsang-ayon ng gobyerno at hindi ito pinagbabawalan sa aming prangkisa," sabi niya sa isang pahayag sa Inggles.

Nakatakdang mapaso ang legislative franchise ng ABS-CBN pagsapit ng Marso 2020, ngunit inilinaw nina Senate President Vicente "Tito" Sotto na maaari silang mag-operate hanggang 2022 hanggang matapos ang 18th Congress.

Tinatayang nasa 11,000 regular at hindi regular na empleyado ng himpilan ang nanganganib mawalan ng trabaho kung hindi mare-renew ang prangkisa.

'Walang pressure galing kay Duterte'

Samantala, itinanggi naman ng vice chairperson ng House Committee on Legislative Franchises na may kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa patuloy na pagkakaipit ng franchise.

"Wala akong sinasabi na direktang pinepressure ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mambabatas," sabi ni Isabela Rep. Antonio Albano sa Inggles sa GMA News, Huwebes.

"Ni minsan, hindi nakialam ang presidente sa trabaho namin ng Konggreso," paliwanag niya, at idiniin na nirerespeto niya ang separation of powers ng lehislatura at ehekutibo.

Miyerkules nang sabihin ni Albano na dama na nila ng kanyang mga katrabaho ang pressure na magdesisyon sa usapin gayong may sigalot sa pagitan ng ABS-CBN at ni Duterte.

Agosto noong 2018 nang sabihin ni Duterte na tututulan niya ang renewal ng prangkisa kung siya lang ang masusunod, sa dahilang hindi raw nila inere ang kanyang mga patalastas noong nangangampanya pa sa pagkapangulo noong 2016.

Disyembre 2019 naman nang payuhan ni Digong ang pamilya Lopez na ibenta na lang ang ABS-CBN.

Dalawang araw na ang nakalilipas nang tiyakin ni presidential spokesperson Salvador Panelo na ginawa lang ni Calida ang kanyang hakbang alinsunod sa tungkulin ng OSG

Angel Locsin sa mga gustong maisara ang ABS

Bumwelta naman ang aktres na si Angel Locsin sa mga patuloy na nananawagang maipasara ang istasyon.

Aniya, kasama sa libu-libong madadamay sa sitwasyon ang mga cameramen, utility, artista, direktor at crew oras na hindi ma-renew ang kanilang prangkisa.

"Mahal ko sila at hindi po ito drama kundi kung sino po ang mas magdurusa sa sitwasyong ito. Bago po tayo magsalita, isiping mabuti kung makakasira ba ito ng buhay ng napakaraming tao," sabi niya sa isang paskil sa Instagram kahapon.

"I have listened and known their stories — kung anong mga pinag-iipunan nila, magkano pa ang utang, sino ang nagkasakit... lahat pinagpapaguran para po sa pamilya nila."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Kung may pagkukulang daw ang istasyon, sana raw ay mapagbigyan ang network na itama ito: "Hindi po ang pagpapasara ng isang network ang makakatulong sa amin at sa pamilya po namin."

"Konting pag-unawa lang po. Isang pakiusap."

Sinasabi ito ni Angel kahit na hindi siya nag-renew ng kanyang kontrata sa Kapamilya Network. Naghahanda ang aktres para sa paparating nilang kasal ng kanyang nobyo na si Neil Arce.

ABS-CBN

ANGEL LOCSIN

FRANCHISE

SOCRATES VILLEGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with