^

Bansa

Kapamilya tuloy ang operasyon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

Kahit ‘di maaprub ang renewal

MANILA, Philippines – Kahit na hindi pa ma­aprubahan ng Kongreso ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, tuloy pa rin ang operasyon nito hanggang sa 2022.

Sinabi ni House Com­mittee on Legislative Franchises Vice Chairman at Isabela Rep. Antonio “Tonypet” Albano, hanggang hindi pa natatapos ang 18th Congress ay maari pang ituloy ng network ang kanilang mga programa.

Iginiit ni Albano na naihain naman ng Lopez-led corporation ang aplikasyon ng pagpapalawig ng prangkisa sa 18th Congress.

Iginiit nito na ang nasa poder ng kongreso ay ang exclusive authority para sa pagbibigay ng prangkisa tulad ng sa broadcast network.

Siniguro rin ni Albano na diringgin nila ang nakahaing petisyon ng ABS-CBN sa kanilang komite at sa katunayan ay nagkaroon na sila ng close-door meeting para rito kung saan napagkasunduan nila na ipatawag si Solicitor General Jose Calida para malaman ang posisyon nito para sa prangkisa ng ABS-CBN.

Iginiit din nito na kailangan munang magkaroon ng deliberasyon ang komite at magbotohan bago ito pagdebatehan sa plenaryo ng Kamara.

OPERASYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with