14 narco cops mas piniling magretiro
MANILA, Philippines – Mas pinili na lang mag-early retirement ng 14 sa 357 tinaguriang narco cops matapos masibak sa puwesto habang 46 pa ang nag-AWOL (Absence Without Official Leave).
Ito ang kinumpirma kahapon ni PNP Chief General Archie Gamboa kaugnay ng hamon nito sa mga narco cops na lisanin na ang serbisyo ng mga guilty.
Nitong Lunes ay nag-alok si Gamboa sa 357 mga pulis na sangkot sa iligal na droga na mag-early retirement na lang upang maisalba ang imahe ng PNP sa kontrobersiya ng iligal na droga.
Sa nasabing bilang ng pulis, ang pinakamataas ay Police Brig. General o one star rank hanggang sa ranggong Patrolman.
Sa ngayon ay ayaw pa ring maglabas ng mga pangalan ng narco cops si Gamboa dahil patuloy pa rin ang pag-validate sa kaso ng mga ito kaugnay ng “relentless internal cleansing” sa hanay ng kapulisan.
Kung ang isang pulis na kanilang iniimbestigahan ay talagang sangkot sa illegal drug trade at maging sa paggamit ng illegal na droga ay sasampahan ito ng kaso.
Pagkatapos ng gagawing validation ay kanila itong isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.
- Latest