^

Bansa

DOJ: Robredo, 30 iba pa lusot sa reklamong sedisyon

James Relativo - Philstar.com
DOJ: Robredo, 30 iba pa lusot sa reklamong sedisyon
Samantala, sinabi rin ni Perete na nakakitaan nila ng "probable cause" para isakdal sina Trillanes at ilang alagad ng simbahan pagdating sa isyu ng "conspiracy to commit sedition."
File

MANILA, Philippines — Ibinasura sa preliminary investigation ng Department of Justice ang reklamong sedisyon at ibang complaints laban kina Bise Presidente Leni Robredo at 30 iba pa kaugnay ng "Ang Totoong Narcolist" videos at diumano'y tangkang pagpapatalsik sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pahayag na inilabas, Lunes, sinabi ni Justice Undersecretary Markk Perete na dini-dismiss ang mga reklamong sedisyon, cyberlibel, libelo, estafa at obstruction of justice sa lahat ng pinararatangan.

"Dahil walang nakitang probable cause para sa sedisyon o inciting to sedition, nakita ng Panel na hindi sapat ang elemento ng public at tumultous uprising," sabi ng pahayag sa Inggles.

Ilan sa mga inaakusahan ay sina Robredo, Peter Joemel Advincula (alyas Bikoy), Sen. Risa Hontiveros, Sen. Leila de Lima, dating Sen. Antonio Trillanes IV at iba pang lider oposisyon.

Aniya, bagama't may "libelous imputations" laban kay Duterte sa mga nasabing video series, gaya ng pag-uugnay sa kanya at kanyang pamilya sa kalakalan ng droga, wala raw ginamit na pananalitang naghihikayat na mag-armas at mag-alsa ang taumbayan laban sa gobyerno.

Pagdating sa isyung libelo at cyberlibel, ibinasura rin ng Panel ang mga reklamo dahil sa kakulangan ng testimonya ng mga "naargabyadong partido" pagdating sa kapinsalaang nakuha nila sa aksyon ng mga pinararatangan.

Ikinatuwa naman ng kampo ni Robredo ang rekomendasyon ng DOJ panel of prosecutors na i-dismiss ang kaso laban sa kanila ng mga lider-oposisyon.

"Umaasa kaming tatapusin ng 51-pahinang resolusyon ng panel ang kampanya ng kasinungalingan laban sa bise presidente," sambit ni Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, sa ulat ng CNN Philippines.

"[N]gayon, maipagpapatuloy na niya ang kanyang trabaho nang wala itong dagdag na bagaheng ito."

Sabi pa ni Gutierrez, tila pagkundena na ito sa mga gawa-gawang akusasyon at kaso laban sa ikalawang pangulo: "[A]ng mga 'charges' na ito ay pawang kasinungalingan at political harassment."

Matatandaang inihain ng Philippine National Police — Criminal Investigation and Detection Group ang mga reklamo.

Bagama't isa si Advincula sa mga inaakusahan, nakipagtulungan siya sa mga otoridad 'di kalaunan at nagbigay ng mga ebidensya para idiin ang kanyang mga kasama sa reklamo.

Aniya, bahagi raw ang lahat ng "Project Sodoma," para gumawa ng mga "pekeng balita" laban sa pangulo, kanyang pamilya, mga kaibigan at iba pa upang bumaba ang tiwala sa gobyerno at mailuklok na bagong presidente si Robredo.

Binanggit din niya na si Trillanes ang nais gawing bise presidente at nilayon din nila ito upang mapalakas ang kampanya ng "Otoso Diretso" senatorial line-up.

Ika-7 ng Mayo taong 2019 nang ilahad ni Advincula na siya ang "Bikoy" na nagsalita sa mga video laban sa administrasyon.

May 'probable cause' vs Trillanes, 10 iba pa

Bagama't nakalusot sa sedisyon ang maraming personahe sa paunang pagtataya ng DOJ, sinabi naman ni Perete na nakakitaan nila ng "probable cause" para isakdal sina Trillanes at ilang alagad ng simbahan pagdating sa isyu ng "conspiracy to commit sedition."

Maliban kay Trillanes, tinukoy ang mga sumusunod para ma-indict:

  • Advincula
  • Joel Saracho
  • Boom Enriquez
  • isang alyas "Monique"
  • Yolanda V. Ong
  • Vicente Romano III
  • Fr. Albert Alejo
  • Fr. Flaviano Villanueva
  • Jonnel Sangalag
  • Eduardo Acierto

Aniya, nakita raw nilang may "magkakakabit na pruweba" na magbibigay raw ng kumpletong larawan pagdating sa "grand conspiracy" sa pagitan ng ilang respondents para magtanim ng galit o paghihigante kay Duterte at kanyang pamilya.

Ilan sa mga 'yan ang:

  • paglalabas ng "Bikoy" videos
  • press conference na inilunsad ni Advincula
  • pahayag ni Acierto
  • pag-amin ng ilang respondents

Ilan sa mga inihaing ebidensya ni Advincula ang mga USB driers, litrato ng mga ersponents, susi at "access cards" ng mga lugar kung saan siya nanuluyan, atbp.

Dumepensa naman si Trillanes kaugnay ng mga akusasyon, at tinawag na "absurdo" at pagwe-"weaponize" ng batas ang mga kaso laban sa oposisyon at mga kritiko.

"Tinitiyak ko, G. Duterte na hindi kami maduduwag sa political persecution na ito," sabi ng dating senador.

"Sa katotohanan, mas determinado... kaming ituloy ang laban para sa demokrasya at karapatan ng taumbayan."  — may mga ulat ni The STAR/Evelyn Macairan

ANG TOOONG NARCOLIST

ANTONIO TRILLANES IV

DEPARTMENT OF JUSTICE

LENI ROBREDO

OTSO DIRETSO

SEDITION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with