Notice sa VFA termination ipapadala ngayon
MANILA, Philippines — Ngayong Lunes ilalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan upang ipabatid sa Estados Unidos ang pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Nilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na wala pa ang pormal na dokumento nitong weekend dahil sarado ang mga tanggapan at nasa Davao City ang Pangulo.
Nitong nakaraang araw ay nagkaroon ng kalituhan matapos ianunsyo ni Panelo noong Biyernes na inatasan ng Pangulo ang DFA chief na ipabatid sa US na ibabasura ng Pilipinas ang VFA pero sinabi ni Executive Sec. Salvador Medialdea na wala siyang natatanggap na pormal na utos mula sa Pangulo noong Sabado.
Sinabi rin ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na wala pang pormal na utos kay Medialdea ang Pangulo tungkol sa VFA termination.
Una nang nagbanta ang Pangulo na ibabasura nito ang VFA matapos kanselahin ang US visa ni Sen. Bato dela Rosa.
- Latest