^

Bansa

Power accord ng Meralco aaprubahan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Power accord ng Meralco aaprubahan
Agnes Devanadera

MANILA, Philippines — Nakatakdang aprubahan ng Energy Regulatory Commission ang power supply agreement (PSA) ng Meralco na may kapasidad na 1,700 MegaWatts (MW)

Ayon kay ERC Chairperson Agnes Devanadera, inaasahang lalabas ang desisyon bago magtapos ang Pebrero kung saan ang 1,700 MW na may kapasidad na mula sa competitive selection process na isinagawa ng Meralco noong Setyembre 2019.

Paliwanag ni Devanadera, bagaman karaniwang tumataas ang presyo ng kuryente pagsapit ng Pebrero dahil sa buwan na ito nangyayari ang normalisasyon ng presyo ng kuryente, inaasahan na maaaring hatakin pababa ng presyo ng generation charge ang presyo ng kuryente ngayong Peb­rero. 

Ito ay dahil naging malaki umano ang papel ng mga aprubadong PSA ng Meralco.

Dahil sa 1,200 MW kapasidad na nakuha ng Meralco, ang halaga ng magiging bawas singil ay tinatayang aabot sa P0.41 kada kilowatthour (kWh) sa loob ng 10 taong kontrata nito kaya, kung susumahin, aabot umano sa tumataginting na P13.86 milyon ang matitipid ng mga customer kada taon o P138.60 bilyon sa loob ng susunod na 10  taon.

Ang mga generation company na nakakuha ng kontrata para sa supply ng Meralco ay ang mga sa­ngay ng San Miguel Corp., Ayala Corp., at First Gen Corp.

AGNES DEVANADERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with