Contact tracing sa 331 pasahero sinimulan
MANILA, Philippines — Ikinasa na ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang malawakang contact tracing o pagtunton sa 331 pasahero na nakasabay sa eroplano ng mag-nobyong Chinese na nagpositibo sa novel coronavirus.
Sinabi ni CIDG Director Major Gen. Joel Napoleon Coronel na may 48 oras ang kanilang mga operatiba upang hanapin, kontakin ang nasabing mga pasahero ng tatlong eroplano na nakasalamuha ng Chinese couple.
Kabilang dito ang mga pasahero ng Flight 5J-241 (Hong Kong-Cebu), Flight DG-6519 (Cebu-Dumaguete) noong Enero 21, 2020 at PR-2542 (Dumaguete-Manila) noong Enero 25, 2020.
Nasa 58 airline passengers na umano ang natukoy ng Health department na umupo malapit sa mga pasyenteng biktima ng coronavirus mula Wuhan.
Ang mga pinaghahanap na pasahero ay mga taga Visayas Region partikular na sa Cebu City at Dumaguete at maging sa National Capital Region o NCR.
- Latest