^

Bansa

2 piloto, 4 cabin crew ng PAL naka-quarantine, nakasalamuha ng Chinese nCoV patient

James Relativo - Philstar.com
2 piloto, 4 cabin crew ng PAL naka-quarantine, nakasalamuha ng Chinese nCoV patient
Sinasabing sumakay ng Philippine Airlines ang 38-anyos na Chinese national mula Dumaguete patungong Maynila noong ika-25 ng Enero, na napag-alamang positibo sa 2019-nCoV ARD.
File

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine Airlines na inilagay nila sa quarantine ang dalawa nilang piloto't apat na cabin crew matapos mapag-alamang sumakay sa kanila ang banyagang nagpositibo sa 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease (2019-nCoV ARD).

Sinasabing sumakay ng Philippine Airlines ang 38-anyos na Chinese national mula Dumaguete patungong Maynila noong ika-25 ng Enero, na napag-alamang positibo sa 2019-nCoV ARD.

Samantala, kinumpirma rin ng flag carrier ng bansa na babawasan nila ng 50% ang flights nila na sa pagitan ng Maynila at mainland China.

Sinabi rin ng PAL na nagsasagawa na rin sila ng iba pang preventive measures, tulad ng pagfi-filter ng cabin air pagsasagawa ng thermal scanning sa lahat ng paparating nilang pasahero.

"Gumagawa na rin kami ng paraan upang ma-trace ang mga paparating na biyahe ng mga pasahero't crew sa ibang flights, oras na kailanganin ng [Bureau of Quarantine] na kontakin ang iba pang tao para sa precautionary medical observation," sabi ng airlines sa isang pahayag sa Inggles.

"Kumukuha kami ng aktibong paggabay ng government authorities at international health experts para masiguro ang pagka-epektibo ng aming prevention and mitigation measures."

Tiniyak din nila na hindi na sila tumatanggap ng mga pasahero mula sa Hubei province, na pinatawan ng temporary ban ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hanggang bukas na lang din, ika-1 ng Pebrero, magkakaron ng flights ng Chinese carriers patungong Kalibo, Aklan, pagkukumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines. 

Wika naman ni Alan Nepomuceno, chairman ng Airline Operators Council, mas marami pang carriers na patungong Tsina ang nakatakdang magkansela ng biyahe sa susunod na linggo.

Cebu Pacific kumikilos na rin

Samantala, siniguro rin ng Cebu Pacific na gumagawa na sila ng paraan upang abutin ang mga pasaherong umupo malapit sa Chinese patient.

Kasama rin kasi ang Cebu Pacific sa sinakyan ng nasabing babae.

"Nasa proseso kami ng pagkontak sa mga pasaherong umupo malapit sa nCoV positive patient at gumagawa ng mga kinakailangang pag-iingat para masabihan sila at nang kumunsulta sila oras na magpamalas sila ng flu-like symptoms," sabi naman ng budget airlines.

Sabi pa nila, nasabihan na rin ang crew at mga piloto nila sa mga apektadong flights at napag-alamang wala silang sintomas ng sakit.

Na-"pull out" na sa ngayon ang sinakyang eroplano ng pasyente at sumasailalim sa disinfection.

Sinasabing dumating ang pasyente sa Pilipinas noong ika-21 ng Enero sa pamamagitan ng Hong Kong at nanggaling sa Wuhan City, na pinagmulan ng outbreak. Kasalukuyang hindi nagpapakita ng anumang sintomas (asymptomatic) gaya ng lagnat ang Tsino.

"Nakikipagtulungan na kami sa ospital kung saan nakalagak ang pasyente at in-activate ang incident command system nila para sa nararapat na pamamahala, partikular sa infection control, case management at containment," sabi ni Department of Health Secretary Francisco Duque III. — may mga ulat mula kay Ratziel San Juan at News5

CABIN CREW

CEBU PACIFIC

NOVEL CORONAVIRUS

PHILIPPINE AIRLINES

PILOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with