^

Bansa

Duque pahaharapin sa Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Duque pahaharapin sa Kamara
Nais linawin ng mga kongresista kay Duque kung may katotohanan na kumakalat na ang nasabing virus sa bansa.
Boy Santos

MANILA, Philippines – Pahaharapin nga­yong araw sa plenaryo ng Kamara para sa question hours si Health Secretary Francisco Duque III kaugnay sa posibleng outbreak ng Novel-Coronavirus sa bansa.

Sinabi ni Quezon Rep. Helan Tan, chairman ng committee on Health na mahalagang marinig mismo kay Duque ang lahat ng mga impormas­yon at ang totoong status ng nCoV sa Pilipinas bagama’t wala pang kumpirmado nito.

Sinalungat naman ito ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza at sinabi na kung totoo na wala pang kumpirmadong kaso ng nCov sa Pilipinas ay ha­yaan na muna ang Department of Health (DOH) na gawin nito ang kanilang trabaho sa ngayon.

Naniniwala si Atienza na matatawag na commercial hyperbole o pinalalaki lang ang usapin para sa kapakinabangan ng ilang negosyante lalo na at lumalakas ngayon ang bentahan ng mga face mask.

Matapos nito ay na­pagkasunduan ng mga kongresista na paharapin ngayong araw si Duque sa plenaryo.

Nilinaw naman ni House Majority leader Martin Romualdez na inim­bitahan si Duque bilang guest lamang at hindi para gisahin.

Nais linawin ng mga kongresista kay Duque kung may katotohanan na kumakalat na ang nasabing virus sa bansa.

DUQUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with