^

Bansa

Walang ban pero 'visa upon arrival' suspendido sa banta ng nCoV

James Relativo - Philstar.com
Walang ban pero 'visa upon arrival' suspendido sa banta ng nCoV
Sinuspinde muna ang Visa Upon Arrival privilege ng mga Chinese nationals dahil sa banta ng nCoV.
Bureau of Immigration FB Page, file

MANILA, Philippines — Sinuspindi muna ng Bureau of Immigration ang kanilang "visa upon arrival" bilang tugon sa pagpasok ng kinatatakutang novel coronavirus (2019-nCoV) sa Pilipinas.

Umabot na sa 106 ang namamatay sa nCoV, na nagsimulang kumalat sa Wuhan, China. Tinatayang nasa 1,300 bagong kaso na rin ang naitala kaugnay ng sakit.

Karaniwang ginagamit ang VUA ng mga Chinese tour groups na bumibisita sa Pilipinas.

Kahapon, sinabi ng Department of Health na 11 indibidwal na ang inoobserbahan kaugnay ng nCoV.

Sa kabila nito, wala pa namang kumpirmasyon kung nakapasok na ito sa bansa.

Sa kabila nito, inilinaw ng BI na "wala pang utos na haharang sa mga Tsinong pumasok ng bansa."

Samantala, iminungkahi ni Sen. Francis "Kiko" Pangilinan na magpatupad muna ng "preventive ban" para sa mga turista galing Wuhan, China bilang pag-iingat sa pagpasok ng nakakamatay na sakit.

"Ang mabilis na pagkalat ng [novel] coronavirus at paglobo ng namamatay ay dapat umudyok sa Philippine health at immigration authorities na ipagbawal muna bilang pag-iinvat ang mga bisita mula Wuhan, oh 'di kaya'y nula sa karamihan ng apektadong probinsya sa Tsina," sabi ni Pangilinan sa Inggles, Martes.

Kahit hindi pa tiyak kung nasa Pilipinas na ang virus, sinabi ng senador na mas mainam na maging maagap lalo na't baka hibdi raw nito makontrol ang sitwasyon oras na maging "full-blown" epidemic ito.

Aniya, tinatayang nasa 1,626,309 Tsino na ang bumisita sa Pilipinas mula Enero hanggang Nobyembre 2019.

Nangangahulugan na nasa 4,800 Tsino ang pumapasok sa Pilipinas kung pagbabatayan ang bilang na iyan. — may nga ulat mula kay The STAR/Robertzon Ramirez

2019-NCOV

BUREAU OF IMMIGRATION

NOVEL CORONAVIRUS

VISA UPON ARRIVAL

VISA UPON ARRIVAL PROGRAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with