^

Bansa

Coronavirus kumalat sa mundo

Agence France-Presse
Coronavirus kumalat sa mundo
Hanggang nitong Sabado, 1,300 tao na ang nahawahan ng No­vel Coronavirus sa buong China na ang karamihan ay nasa loob at paligid ng Wuhan. Halos lahat ng namatay ay nasa Wuhan pero kinumpirma ng mga opisyal na merong dalawang kaso sa ibang lugar.
AFP/Leo Ramirez

CHINA — Kumalat na sa buong mundo ang SARS-like virus na kumitil nang 41 tao mula nang sumulpot ito sa lunsod ng Wuhan sa China.

Hanggang nitong Sabado, 1,300 tao na ang nahawahan ng  No­vel Coronavirus sa buong China na ang karamihan ay nasa loob at paligid ng Wuhan.  Halos lahat ng namatay ay nasa Wuhan pero kinumpirma ng mga opisyal na merong dalawang kaso sa ibang lugar.

Nagkaroon na rin ng dalawang kaso sa Macau habang, sa Hong Kong, limang tao ang napaulat na dinapuan ng naturang sakit. Tatlo sa mga ito ay nakumpirma sa loob ng 24 oras hanggang kahapon ng umaga.

May tatlo namang kaso ng coronavirus sa France na unang bansa sa Europa na naapektuhan ng kumakalat na sakit. Nabatid na ang tatlo ay bumiyahe kamakailan sa China at ngayon ay isinailalim sila sa isolation.

Sa Japan, isang la­laki ang naospital noong Ene­ro 10 o apat na araw pagkagaling niya sa Wuhan. Isa pang 40 anyos na lalaki at isang babae na may edad 30 anyos ang ginamot sa ospital dahil sa lagnat. Ga­ling din ang mga ito sa China.

Kinumpirma kahapon ng Australia ang unang kaso nito ng virus. Isang lalaki na dumating sa Melbourne mula China isang linggo na ang nakakaraan.

Meron na ring unang tatlong kaso ng virus sa Malaysia na pawang Chinese national at nagmula rin sa Wuhan.

Isa namang 32-an­yos na lalaki ang dinapuan ng nakakamatay na sakit sa Nepal pagkagaling niya mula Wuhan. Nauna siyang kinuwarantina, guma­ling at pinalabas sa ospital.

Meron na ring tatlong kumpirmadong kaso ng coronavirus sa Singapore, dalawa sa South Korea, tatlo sa Taiwan, at lima sa Thailand. Pawang galing din sa Wuhan ang mga pas­yente.

Noong Martes ay inihayag ng mga health official ng United States ang unang kaso nila ng virus. Ang pasyente ay 30 anyos na naninirahan sa Seattle. Noong Biyernes, isang  60 anyos na babae sa Chicago ang napaulat na dinapuan ng sakit. Kapwa sila ginamot at nagpapagaling.

Kinumpirma rin ng Vietnam ang dalawang kaso nito ng virus noong Huwebes. Ang nahawahang lalaki ay kagaga­ling din sa Wuhan. Naipasa niya sa isa niyang anak ang sakit.

COROMANDEL

CORONA VIRUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with