^

Bansa

PWA 2020, dadagsain ng mahilig sa photography, lokal at banyaga

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang Federation of Philippine Photographers Foundation (FPPF) dadagsain ng mga mahilig sa photography. Ang PhotoWorld Asia 2020 ang pinakamalaki at grandiyosong photography event sa bansa na gaganapin sa Makati City mula Enero 30 hanggang Pebrero 4.

Sinabi ni Ms. Eduviges Y. Huang, chairperson ng Fe­deration of Philippine Photographers Foundation (FPPF) na siyang organizer ng Photoworld Asia, ay mga batikan­ at multi-awarded photographer ang mga speaker sa pag­titipon ng mga photographer sa Asian Institute of Ma­nagement (AIM) sa Makati City.

Si Engr. James Singlador ng Samahang Litratista ng Rizal (SLR) isang multi-awarded photographer ang PWA 2020 chairman. Bilang event chairman, si Singlador ang overall in-charge ng mga paghahanda sa mga aktibi­dades ng trade show sa Glorietta Ayala Malls at ang inter­national photographers conference sa AIM Convention Center.

May dalawang bahagi ang pagdiriwang: Photography trade show sa Glorietta kung saan itatampok ang pina­kahuli at pinaka-modernong mga produkto ng industriya ng mga manufacturer at supplier at ang kumperensiya ng mga photographer kung saan marami silang matututunan tungkol sa photography.

Ang tema ng PWA 2020 ay “Travel and Lifestyle.”

Ang trade show sa Glorietta ay libre samantalang ang kumperensiya sa Enero 31–Peb 2 ay may entrance fee. May diskuwento sa mga senior citizen, estudyante, at may mga kapansanan. Para sa ibang detalye, tumawag sa FPPF c/o Kim Salvador/Mae Murphy, Femii Bldg., A. Soriano St., Intramuros, Manila, tel. 8524-7576/8524-0371 o bisitahin ang www.photoworldmanila.com.

FEDERATION OF PHILIPPINE PHOTOGRAPHERS FOUNDATION

PHOTOWORLD ASIA 2020

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with