^

Bansa

TWG kumambyo: Pilot test ng motorcycle-taxis tuloy sa itinaas 63,000 rider cap

James Relativo - Philstar.com
TWG kumambyo: Pilot test ng motorcycle-taxis tuloy sa itinaas 63,000 rider cap
Kinumpirma rin ni TWG head Antonio Gardiola na plano nilang payagan ang 9,000 motorcycle-taxis sa Mindanao (Cagayan de Oro).
Released/Angkas

MANILA, Philippines — Binawi ng technical working group ng Department of Transportation ang una nitong desisyon na pagbawalan na ang mga motorcycle-taxis sa susunod na lingo, at bagkos dadagdagan pa motor na pumapasada sa kalsada.

Ayon kay TWG head Antonio Gardiola, dadagdagan ang kasalukuyang 30,000 na cap sa riders sa Metro Manila, habang magpapasok ng panibagong study area sa Mindanao — dahilan para umabot ito sa 63,000 sa buong Pilipinas.

Ganito ang magiging hatian ng ridership ng tatlong motorcycle-taxi companies (Angkas, Move It at Joy Ride):

  • Metro Manila (Luzon) - 45,000
  • Metro Cebu (Visayas) - 9,000
  • Cagayan de Oro (Mindanao)- 9,000

"Kagaya noong sabi ko, 15,000 each [player] in Metro Manila, 3,000 each in Cebu, and 3,000 each in Cagayan de Oro," ani Gardiola.

Napili raw ang Cagayan de Oro dahil nauna na raw nila itong hiniling kumpara sa iba pang lungsod sa Mindanao gaya ng Davao.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang sabihin ni Gardiola na napagdesisyunan ng DOTr na ititigil ang pilot test sa susunod na linggo dahil sa isyu ng kaligtasan, kahit na hindi pa kumpleto ang mga datos.

Sa kabila nito, magiging 20,000 ang hawak ng Angkas sa Kamaynilaan sa pamamagitan ng isang "redistribution provision," sa dahilang hindi pa maaabot ng ibang players ang alokasyon sa kanila.

"[D]irekta na pong tinanong ni [Transport] Secretary [Arthur Tugade] 'yung other players like Move It, tinanong niya, 'Move It, can you raise 15,000?' And candidly, and honestly, sabi ni Move It, medyo mahirap po ngayon," sabi niya.

"'Therefore, are you willing to give that 5,000 to Angkas?' They are willing. There and then, napagdesisyunan na po... So see? Ganoon lang po kadali kapag nag-uusap-usap."

Wala naman daw naging pagtutol ang grupong Joy Ride dito.

Batas para sa motorcycle-taxis

Ikinatuwa naman ni George Royeca, regulatory and public affairs head ng Angkas, ang desisyon ng TWG.

"Talaga pong kami ay excited sa pilot at makipagtulungan sa gobyerno. And hopefully, we can get the success of the pilot for the necessary law to be passed," ani Royeca.

Umaasa naman ang kanilang grupo na wala nang madi-displace sa kanilang mga riders: "We are very confident that we could all make this work. Talaga pong ang galing-galing po ng pangyayari," dagdag niya.

Sa ngayon, sabi ni Royeca, ang puno't dulo raw ay ang kahilingan nilang magtagumpay ang pag-aaral upang magabayan ang mga mambabatas sa pagbubuo ng batas para sa mga motorcycle-taxis.

Pilot test pwedeng ma-extend

Samantala, kinumpirma naman ng DOTr-TWG na bukas ang gobyerno sa ideya na mapalawig pa sa orihinal na petsa ang isinasagawang pilot testing.

Nakatakda sanang magtapos ang pag-aaral sa ika-23 ng Marso, 2019.

"Although 'yng study po natin, hanggang March 23, but still he is very flexible on adjusting it or extending it," sabi ni Gardiola.

ANGKAS

ANTONIO GARDIOLA

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

JOY RIDE

MOTORCYCLE-TAXIS

MOVE IT

TECHNICAL WORKING GROUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with