^

Bansa

Phivolcs sinopla ang Talisay vice mayor: 'Pag okey na bumalik ang evacuees, sasabihin namin'

James Relativo - Philstar.com
Phivolcs sinopla ang Talisay vice mayor: 'Pag okey na bumalik ang evacuees, sasabihin namin'
Hiniling kasi ni Talisay Vice Mayor Charlie Natanauan kay Pangulong Rodrigo Duterte na baguhin ng Phivolcs ang opinyon nila sa sitwasyon ng Taal dahil "pinalalala" raw nila ang sitwasyon.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nanindigan ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa taya nilang huwag munang pabalikin ang mga taong pinalikas sa iba't ibang bayan ng Batangas at Cavite kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal.

Hiniling kasi ni Talisay Vice Mayor Charlie Natanauan kay Pangulong Rodrigo Duterte na baguhin ng Phivolcs ang opinyon nila sa sitwasyon ng Taal dahil "pinalalala" raw nila ang sitwasyon.

"Nirerespeto namin 'yung feelings ni vice mayor, pero at the same time, naninindigan kami sa agham namin," sabi ni Ma. Antonio Bornas, hepe ng volcano monitoring and eruption prediction division, sa Inggles.

"Kami ang unang magsasabi kung ligtas nang bumalik."

Aniya, labis daw ang pagsusumikap ng Phivolcs upang makapagbigay ng pinakamainam na impormasyon.

Una nang sinabi ni Natanauan na dapat payagang makabalik ng kanilang bahay ang mga residente ng Talisay dahil nakaapekto na raw ito sa kanilang buhay at kabuhayan.

Kwinestyon din niya ang taya ni Phivolcs Director Renato Solidum na maaaring magkaroon ng mapaminsalang pagsabog ang bulkan sa mga susunod na oras o araw ngayong nasa Alert Level 4 ang bulkan.

"Bakit nasabi niya, siya ba ay Diyos?" pagtukoy niya kay Solidum.

Paniwala ni Natanauan, mapipigilan daw ng Lawa ng Taal ang pag-agos ng tunaw na bato (lava) oras na sumabog ito.

Kanina, sinabi ni Bornas na kahit tila mas kalmado ang bulkan ngayon, hindi pa rin daw nawawala ang banta ng pagsabog.

Nangangahulugan pa rin daw ng aktibidad sa ilalim ng lupa ang maya't mayang paglindol at mataas na lebel ng sulfur dioxide.

Kasalukuyang lagay

Nakapagtala na ng 719 volcanic earthquakes ang Philippine Seismic Network mula ika-12 ng Enero, kung saan nadama ang 176 nito mula Intensity I (scarcely perceptible) hanggang V (strong).

Sa pagitan ng Lunes hanggang Martes ng umaga, limang mahihinang volcanic earthquakes lang ang naitala ng Philippine Seismic Network.

Nakapagtala naman ang Taal Volcano Network ng 448 na volcanic earthquakes, kasama ang 17 low-frequency event sa nakaraang 24 oras.

Kayang makapag-record ng maliliit na earthquakes ang Taal Volcano Network na hindi kayang makita ng Philippine Seismic Network.

Napanatag naman ang sulfur dioxide emission sa 344 tonelada, na mas mababa sa 4,253 na unang nakita. — may mga ulat mula kay Gaea Gabico, The STAR at News5

CHARLIE NATANAUAN

PHIVOLCS

TAAL VOLCANO

TALISAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with