^

Bansa

Mon Tulfo sinabing 'nais ipapatay' ang mga taga-Phivolcs, netizens rumesbak

James Relativo - Philstar.com
Mon Tulfo sinabing 'nais ipapatay' ang mga taga-Phivolcs, netizens rumesbak
"Goddamn Phivocvoc! Wala man lang babala tungkol sa pagsabog ng Taal Volcano!" sabi niya sa kanyang tweet sa Inggles, Linggo ng gabi.
Mula sa Facebook account ni Ramon Tulfo

MANILA, Philippines — Nakatikim ng sari-saring banat sa social media ang broadcaster at kolumnista na si Ramon Tulfo matapos ang kontrobersyal na pahayag laban sa mga kawani ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Sa isang tweet kasi ni Tulfo, na itinalagang special envoy to China ng Malacañang, sinabi niyang ipapapatay niya ang lahat ng nasa Phivolcs dahil sa "kawalan ng babala."

"Goddamn Phivocvoc! [sic] Wala man lang babala tungkol sa pagsabog ng Taal Volcano!" sabi niya sa kanyang tweet sa Inggles, Linggo ng gabi.

"Kung ako lang ang masusunod, ipabibitay ko lahat ng nasa Phivo[l]cs!"

Taliwas sa sinabi ni Tulfo, Marso 2019 pa lang nang ianunsyo ng Phivolcs na itinaas na nila sa Alert Level 1 (abnormal) ang Taal dahil sa mga kakaibang naobserbahan nila bulkan gaya ng:

  • volcanic earthquake activity
  • ground deformation
  • gas emission

Muling naglabas ng Taal Volcano advisory ang Phivolcs noong ika-1 ng Disyembre, 2019, kung saan ibinabala nila ang posibilidad ng "magmatic disturbance" na nangyayari sa ilalim ng bulkan.

Sinabi na rin nila noong Disyembre na maaaring itaas sa Alert Level 2 ang bulkan oras na lumala ang mga kondisyon roon.

Nanggalaiti tuloy ang netizens dahil sa pahayag ni Tulfo.

Ang ibang commenters, hindi na napigilang ungkatin ang kasong kinasasangkutan ng mga kapatid na sina Ben Tulfo at dating Department of Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo.

Kaugnay ang isyu ng P60 milyong ad placement ng DOT para sa television program ng mga kapatid, bagay na nasilip ng Commission on Audit.

Sa kabila nito, una nang sinabi ni Ramon Tulfo na hindi siya ang "nagnakaw" ng P60 milyon si Ben daw ang may kagagawan noon.

Kanina lang ay dinepensahan ni presidential spokesperson Salvador Panelo ang Phivolcs nang sabihing hindi nahuhulaan ang eksaktong petsa kung kailan samasabog ang bulkan.

Dati nang nabatikos si Tulfo sa pagsabi niya na mas gusto raw ng mga contractor na kumuha ng Chinese workers dahil mas masipag raw sila kaysa sa mga Pilipino.

PHIVOLCS

RAMON TULFO

TAAL VOLCANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with