^

Bansa

12 bayan sa Batangas nasa danger zone

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 12 bayan sa lalawigan ng Batangas ang nasasakop na ng danger zone kaugnay sa pagsabog ng Taal Volcano.

Nabatid na umabot na rin sa 500,000 o kalaha­ting milyon katao ang naapektuhan ng pagsabog habang marami na ring bayan dito ang isinailalim sa lockdown.

Layon ng lockdown na mapigilan ang mga looter na manamantala o magnakaw sa mga bahay na walang tao.

Samantala, ilang mga insidente ng looting sa mga bahay na naiwan ng mga evacuees sa Batangas ang naiulat kahapon. 

Ayon kay Army Brig. Gen. Marceliano “Kit” Teofilo, Joint Task Group Taal Commander, hindi maiiwasan na may mga pasaway na magsamantala sa mga kabaha­yang naiwang walang mga tao.

Gayunman, sinabi ni Teofilo na pinaigting ng pulis­ya ang pagpapatrulya para masupil ang ‘looting’ o pagnanakaw sa mga kabahayang naiwang walang mga tao.

DANGER ZONE

TAAL VOLCANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with