^

Bansa

Phivolcs: 'Tuyo na' ang main crater lake ng Bulkang Taal, Pansipit River

James Relativo - Philstar.com
Phivolcs: 'Tuyo na' ang main crater lake ng Bulkang Taal, Pansipit River
Makikita sa likod ng litrato ang crater (bunganga ng bulkan) ng Bulkang Taal, sa tabi ng sunog na vegatation.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na nawala na ang tubig ng "main crater lake" ng Bulkang Taal sa patuloy na pag-aalboroto nito.

Dahil dito, nabuo ang mga panibagong vent craters sa loob ng main crater at hilagang "flank" ng bulkan.

Iniugnay ito ng Phivolcs sa patuloy na mga lindol dahil sa aktibidad ng Taal.

"We're looking at several explanations. One is that... dahil nga sunod-sunod ang paglindol, umatras ang tubig ng lawa at ngayon ay natuyo 'yung portions ng... Pansipit River. Nagkaroon siguro ng pag-alsa, o pag-uplift ng Taal region," paliwanag ni Mariton Bornas, hepe ng Phivolcs Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division, Miyerkules.

Posible rin daw na dumire-diretso ang mga hanggang Talisay, Batangas ang mga bitak na nakita sa Lemery: "At baka meron tayong mga underwater fissures sa floor, o sa ilalim ng Taal Lake at nag-seep ang tubig dito," dagdag niya.

Ang mga fissure na ito ay tumutukoy sa mga bitak na idinulot ng bulkan.

Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng mga pagkatuyong ito?

"Normal na characteristic ito ng Taal Volcano dahil sa meron ding fissuring na nangyayari sa pulo kapag ito'y pumuputok. So along these fissures, pwedeng magkaroon ng vents," paliwanag ni Bornas.

Sabi pa ng Phivolcs, bago pumutok ang Taal noong 1911 ay may mga hiwa-hiwalay pang maliliit na bunganga ng bulkan sa pinakabunganga nito, ngunit napuno na lang ng tubig. 

"Pero ngayon, natuyo na 'yung main crater, balot na siya ng abo, at merong parang maliliit na cones doon sa loob... kita na ulit natin 'yung magkakahiwalay na vent ngayon sa main crater," dagdag pa ni Bornas.

Posibilidad ng 'explosive eruption' nariyan pa

Hindi pa rin naman daw matiyak kung kailan ang eksaktong malakas na pagputok (explosive eruption) ng Bulkang Taal, ngunit lagi raw naroroon ang posibilidad nito. 

Ibinabase raw kasi ng Phivolcs ang potensyal para sa explosive eruption primarya sa pamamagitan ng earthquake activity.

"[H]indi naman naiibsan ['yung mga lindol]. Dirediretso 'yung mga earthquake na nare-record natin. And they are considerable in magnitude for a volcanic earthquake. So talagang may tumutulak pa talaga pataas," dagdag pa niya.

Ilang sandali na lamang din daw ay makukuha na nila ang kabuuang sukat ng sulfur dioxide.

Oras na tumaas daw kasi ito, indikasyon daw ito na umaakyat mula ang magma.

Tumutukoy ang magma sa batong tunaw na nasa ilalim pa ng lupa at hindi pa naibubuga.

Kasalukuyan pa ring nakataas ang Alert Level 4 ng Taal, na nangangahulugang posible ang hazardous explosive eruption sa loob ng ilang oras hanggang ilang araw.

Muli namang inuulit ng Department of Science and Technology-Phivolcs ang kautusang total evacuation sa Taal Volcano Island at ilan pang high-risk areas na tinukoy sa loob ng 14-kilometrong radius ng Taal Main Crater at kahabaan ng Pansipit River Valley, kung saan naoobserbahan ang fissuring.

EARTHQUAKES

EXPLOSIVE ERUPTION

MAIN CRATER LAKE

PANSIPIT RIVER

PHIVOLCS

TAAL VOLCANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with