^

Bansa

Ilang bayan sa Batangas nagmistulang ghost town

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ilang bayan sa Batangas nagmistulang ghost town
Nabatid na ang bayan ng Agoncillo ay nagmukhang dis­yerto na sa kapal ng ashfall na nakaapekto sa 21 barangay sa bayang ito matapos na magsilisan ang mga residente na ang ibang mga pamil­ya ay nagtungo sa mga bundok, sa mga evacuation centers habang ang iba naman ay pansamantalang nanuluyan sa kanilang mga pamilya.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nagmistulang ghost town ang ilang bayan ng Batangas dahil sa makapal na ashfall na  nagpadilim sa kapaligiran habang naranasan din ang mga paglindol dulot ng  phreatic explosion ng Taal volcano, ayon sa ulat kahapon.

 Kabilang dito ang bayan ng Agoncillo, Laurel at San Nicolas na pawang nababalutan ng makapal na kulay itim na ashfall.

 Ang bayan ng San Nicolas ay nagdeklara na ng state of cala­mity sanhi ng makapal na abo na bumalot sa buong bayan.

Nabatid na ang bayan ng Agoncillo ay nagmukhang dis­yerto na sa kapal ng ashfall na nakaapekto sa 21 barangay sa bayang ito matapos na magsilisan ang mga residente na ang ibang mga pamil­ya ay nagtungo sa mga bundok, sa mga evacuation centers habang ang iba naman ay pansamantalang nanuluyan sa kanilang mga pamilya.

 Sa isang television interview, sinabi ni Agoncillo Mayor David Reyes, nasa 20,000 mga residente sa ka­nilang bayan ang inilikas na bunga ng peligro sa kalusugan ng ashfall at gayundin sa nakaambang ma­lakas at mapanganib na pagsabog ng bulkan.

 Nabatid na bandang alas-4:30 ng hapon kamakalawa nang magsimulang magbagsakan sa mga apektadong lugar ang ashfall na grabeng nakaapekto sa mga bayang nakapalibot sa Taal volcano.

 Sa bayan ng Laurel at Nicolas, libu-libong katao na rin ang inilikas at maging sa Talisay, Batangas na  sumasaklaw sa Taal  Lake.

Sa tala, nasa 75 volcanic  na mga paglindol ang naranasan ng mga residente ng Batangas partikular na sa mga bayang nakapalibot sa Taal volcano.

 Idinagdag pa sa ulat na patuloy naman ang paglilikas sa mga residente  kabilang na rin sa bayan ng Talisay at iba pang mga apek­tadong lugar sa lalawigan. 

 

GHOST TOWN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with