^

Bansa

10,700 katao inilikas sa pag-aalboroto ng Bulkang Taal

James Relativo - Philstar.com
10,700 katao inilikas sa pag-aalboroto ng Bulkang Taal
"Mariin na inuulit ng DOST-PHIVOLCS ang total evacuation ng Volcano Island at mga lugar na high-risk sa pyroclastic density currents at volcanic tsunami na nasa loob ng 14-kilometer radius mula sa Taal Main Crater," sabi pa nila.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Libu-libong pamilya na ang inilikas mula sa kani-kanilang mga kabahayan kasunuod ng pagsabog ng Bulkang taal nitong Linggo.

Bandang 2:30 n.u kahapon nang itaas ng Phivolcs sa Alert Level 1 (abnormal) ang alert status ng Taal hanggang sa itaas ito sa Alert Level 4 (hazardous eruption imminent)

Umabot na sa 966 pamilya, o 7,742 katao, ang inilikas mula sa kanilang tahanan, ayon sa taya ng

"Batay sa mga tala ng mga naapektuhang populasyon... nailikas na namin ang 2,549 pamilya o 10,715 katao sa 45 evacuation centers," sabi ni Harold Cabreros, director III ng operations office ng Office of Civil Defense sa isang press briefing sa Inggles, Lunes.

Karamihan sa mga nabanggit ay nagmula sa rehiyon ng Calabarzon, at kasalukuyang nanunuluyan sa 38 evacuation centers.

Sa inilabas na update ng Phivolcs kaninang 8:00 n.u., sinabing nasa 75 volcanic earthquakes na ang nadama sa rehiyon ng Taal as of 5:00 n.u., Lunes.

"Mariin na inuulit ng DOST-PHIVOLCS ang total evacuation ng Volcano Island at mga lugar na high-risk sa pyroclastic density currents at volcanic tsunami na nasa loob ng 14-kilometer radius mula sa Taal Main Crater," sabi pa nila.

 

 

Una nang inabisuhan ng Malacañang ang lahat na suspendido ang klase't trabaho sa pampublikong sektor ngayong araw para sa Kamaynilaan, Gitnang Luzon at Calabarzon ngayong ika-13 ng Enero, 2020. 

Pinayuhan din ng Palasyo ang pribadong sektor na itigil muna ang kanilang operasyon ngayong araw para na rin sa kaligtasan ng kani-kanilang mga empleyado.

Sabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa kanilang update 6 n.u., nasa 118 lungsod at batan na mula sa Kamaynilaan at Calabarzon ang nagdeklara ng suspensyon ng klase.

Isinarado ang Talisay-Tagaytay Road magmula pa kahapon dahil sa paglikas ng mga residente.

Nasa 87 domestic at 109 international flights na rin ang kinansela dahil sa volcanic ash mula sa bulkan.

Ashfall at epekto nito

Ngayong umaga, naglabas din ng "extreme" na emergency alert ang NDRRMC sa pamamagitan ng mobile phone alerts.

"Bandang 3:20 n.u., ang ashfall mula sa kasalukuyang pagsabog ng Tall ay nahulog sa tanauan, Batanga; Escala, Tagaytay; Sta. Rosa, Laguna; Dasmarinas, Bacoor, Silang, Cavite; Malolo, San Jose del Monte, Meycauayan, Bulacan; Antipolo, Rizal; Muntinlupa, Las Pinas, Marikina, Paranaque, Pasig, Quezon City, Mandaluyong, San Juan, Manila, Makati City at Taguig City," sabi ng NDRRMC sa Inggles.

Nahulog naman mula sa kalangitan ang malalaking tipak ng bato na kung tawagin ay "lapili," na may sukat na dalawa hanggang 64 milimeters, sa Tanauan at Talisay sa Batangas, Tagaytay City, Nuvali at Sta. Rosa sa Laguna.

Maaaring magdulot ng pagkairita at problema sa paghinga ang pinong ashfall lalo na sa mga nakatatanda at bata, ayon sa Phivolcs.

"Maliban diyan, maaaring makaranas din ng 'sulfurous' na amoy ang mga lugar kung saan may ashfall na maaari ring magdulot ng irritation," sabi pa ng state volcanology bureau kaninang madaling araw.

"Inaabisuhan ang mga apektadong populasyon na protektahan ang bibig at ilog gamit ang N95 grade na facemask o basang tela o bimpo."

Pinag-iingat din ang mga motorsita nang husto dahil maaaring magdulot ng "poor visibility" at maaaring maging sanhi ng madulas na kalsada kung mababasa.

EVACUATION

PHIVOLCS

TAAL VOLCANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with