Battalion Commander sinibak
Sa dinoktor na litrato ng sumukong mga NPA
MANILA, Philippines — Isang battalion commander ng Philippine Army ang tinanggal sa puwesto makaraang maikalat sa mediamen ang minanipulang larawan ng mahigit 300 rebeldeng New People’s Army (NPA) na sumuko sa Bicol Region noong Disyembre 2019.
Ayon kay Philippine Army Spokesman Lt. Col. Ramon Zagala, inako ni Lt. Col. Napoleon Pabon, Commanding Officer ng 2nd Infantry Battalion ng PA ang responsibilidad sa pagmamanipula ng larawan ng mga sumukong NPA rebels.
Ang insidente ay iniimbestigahan ng Philippine Army Inspector General sa direktiba ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Gilberto Gapay kung saan natapos ang imbestigasyon ngayong buwang ito.
Sinabi ito ni Zagala matapos lumitaw ang resulta ng imbestigasyon kamakailan sa minanipulang larawan ay tinanggal na si Pabon sa puwesto.
Una nang nanindigan ang Philippine Army na tunay na nangyari ang pagsuko ng mahigit 300 rebelde at ang naging pagkakamali lamang ay ini-edit ang photo na pinagsama ang mga nakumpiskang baril at ang mga nakahilerang sumukong NPA rebels.
Sa nasabing larawan ay mistulang nakalutang ang mga paa ng mga nagsisukong rebelde na umani ng mga pagkutya sa social media.
- Latest