^

Bansa

Evacuation ng Pinoys sa Iraq, tuloy - Cimatu

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Evacuation ng Pinoys sa Iraq, tuloy - Cimatu
Bago lumipad kahapon papuntang Middle East, sinabi ni Sec. Cimatu na walang pagbabago sa hakbang ng gobyerno at hindi maaaring magpakampante sa pahayag ni Trump.
Andy G. Zapata Jr./File

MANILA, Philippines – Tuloy ang paglilikas sa mga apektadong OFWs sa Middle East, ayon kay Environment Sec. Roy Cimatu na siya ring special envoy to Middle East.

Ito’y sa kabila ng pahayag ng Iran na tapos na ang kanilang ganti sa pagkakapatay kay Gen. Qassem Soleimani matapos ang kanilang missile strikes sa US base sa Iraq habang nagsabi na rin si US President Donald Trump na hindi na magsasagawa ng retaliatory attack at handa itong pag-usapan ang kapayapaan sa Tehran.

Bago lumipad kahapon papuntang Middle East, sinabi ni Sec. Cimatu na walang pagbabago sa hakbang ng gobyerno at hindi maaaring magpakampante sa pahayag ni Trump.

Sa kanyang pananaw, baka may darating pang mas malaking gulo lalo’t nakakabahala ang pagpapadala ng Amerika ng 82nd Airborne Fleet sa Kuwait.

Hindi bale na umanong mag-over react kaysa magsisi kapag nalagay na sa panganib ang buhay ng mga Pilipino sa oras na may mangyaring giyera.

Sa Dubai at Qatar nila ibubuhos ang pondo at logistics dahil dito dadalhin ang mga OFWs para ipasakay ng mga eroplano.

Kung wala anyang airport sa Baghdad na magagamit sa paglikas sa mga Pinoy sa Iraq at hindi magagamit ang AFP aircraft ay mapipilitan silang umarkila ng shuttle bus na maghahatid by batch sa mga Pinoy papuntang Jordan na mas ligtas na lugar at saka isasakay ang mga Pinoy pa-Dubai at papuntang Maynila.

Anya, pipilitin ng pamahalaan na sumama ang mga Pinoy sa Iraq para makabalik ng Pilipinas sa ayaw nila at sa gusto.

May 2,000 Pinoy anya ang nasa Iraq na ang iba ay nagkaroon na ng asawa doon. 

 

CIMATU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with