^

Bansa

Bagong Corona virus sanhi ng ‘misteryosong sakit’ sa China

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Posibleng isang bagong usbong ng corona virus ang sanhi ng naitalang mahigit 59 kaso ng misteryosong sakit sa Wuhan City sa China.

Ito ay ayon sa World Health Organizations (WHO) kung saan maaaring kabilang ito sa klase ng mga virus na nagdulot noon ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at Middle East Respiratory Syndrome (MERS) outbreak.

Sinabi ng WHO na kinakailangan pa nila ng mas komprehensibong impormasyon para makumpirma ang uri ng pathogen na dahilan ng impeksyon sa Wuhan. Pero ayon sa WHO, malaki ang posibilidad na bagong uri ito ng corona virus.

Layon din nilang matukoy ang epidemiology, clinical picture, pinagmulan, paraan ng pagkakahawa, lawak ng impeksyon at kinakailangang ipatupad na countermeasures laban dito.

Disyembre noong nakaraang taon nang magsimula ang misteryosong pneumonia outbreak sa Wuhan na nakapagtala na ng 59 na kaso.

CORONA VIRUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with