Meralco may bawas singil
MANILA, Philippines — Magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng 41 sentimo kada kilowatt hour (kwh) na bawas-singil sa kuryente ngayong Enero.
Sinabi ng Meralco, kahit na tumaas ang bentahan ng kuryente sa electricity spot market dahil sa mga yellow alerts, ay nakapagpatupad pa rin sila nang pagbaba sa singil ng P0.41/kwh ngayong January bill dahil na rin sa pagbaba ng presyo ng kinontratang kuryente o Power Supply Agreements (PSAs), gayundin sa “outage allowance” na karaniwang pumapatak sa buwan ng Enero.
Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, nakatulong ang mabilis na pagkatapos ng taunang capacity payment ng Sual Unit 1, Ilijan, Pagbilao Unit 1 at Panay Energy, na nagresulta sa savings, at ipinasa naman sa mga consumers sa pamamagitan ng mas mababang electricity rates.
Ang naturang bawas-singil ay katumbas ng P82 na tipid sa total electricity bill ng mga tahanang kumukonsumo ng 200kWh kada buwan; P123 sa nakakagamit ng 300kWh; P164 sa 400kWh at P205 sa kumokonsumo ng 500kWh.
- Latest