Diskuwalipikasyon ni Binay pinagtibay ng CA
MANILA, Philippines — Muling pinagtibay ng Court of Appeals ang nauna nilang kautusan na i-dismiss si dating Makati City Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr. at idiskuwalipika siya sa pamumuno sa kabila ng mga kontrobersya sa P1.3 bilyong Makati Science High School building.
Si Binay ay inakusahang nagmanipula sa proseso ng bidding sa Phase 6 ng naturang school building para makuha ng service construction na Himarc ang proyekto na nagkakahalagang P166.85 milyon.
Napag-alaman ng Office of the Ombudsman na guilty of serious dishonesty, grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service ang dating Makati Mayor at dinismiss siya sa serbisyo.
Pinagtibay ng CA ang desisyon ng Ombudsman noong nakaraang taon.
- Latest