^

Bansa

Pinas mag-aangkat ng pulang sibuyas sa China

Angie del Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aangkat ang Pilipinas ng may 35,000 metriko tonelada ng pulang sibuyas sa China.

Ito ayon kay Agriculture Secretary William Dar ay upang punan ang pangangailangan ng bansa sa pulang sibuyas na may mababang produksiyon sa ngayon.

Anya, isa ang China na pagmumulan ng imported red onions.

Ang importasyon ng pulang sibuyas ay hanggang kalagitnaan lamang ng Pebrero dahil inaasahan na ang pag-ani ng mga onion farmers sa pulang sibuyas sa buwan ng Marso.

Sinabi ni Dar na gagamit na ng makabagong teknolohiya ang ahensiya upang matulungan ang mga onion growers na maparami ang produksiyon.

Sinasabing mas marami ang yellow variety ng sibuyas sa mga pamilihan dahil sa anihan nga­yong Enero at ang pulang sibuyas ay sa Marso pa aanihin.

Dahil kakaunti ang suplay, umaabot ngayon sa P250 ang kilo ng pulang sibuyas na halos doble ang presyo sa dilaw na sibuyas.

Mas malasa ang pulang sibuyas kayat mas gusto itong sahog ng maraming Pinoy sa kanilang lutuin.

SIBUYAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with