^

Bansa

2 undocumented na batang Pinoy sa Bahrain iniuwi na!

Christina Mendez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inatasan ni His Ma­jesty King Hamad bin Isa Al Khalifa ang mga awtoridad ng Bahrain na bilisan ang proseso ng mga undocumented na batang Pilipino na naghihintay na mapauwi sa Pilipinas na dahilan para tuluyang makarating sa Maynila ang dalawa sa mga batang ito bago mag-bagong taon.

Ito ang nabatid sa Malakanyang na nagsabing isang apat-na-taong gulang na batang babae at isang isa-at-kalahating taong gulang na batang lalaki ang kabilang sa unang batch na nakabalik sa Pilipinas mula sa Bahrain lulan ng isang commercial flight. Sinama­han sila ng mga opisyal ng Office of the President at ng Department of Foreign Affairs.

Sinabi ni Chief of Presidential Protocol at Presidential Assistant on Foreign Affairs Ro­bert Borje na ang hakbang ay bahagi ng inisyatiba ng administrasyon kasunod ng courtesy call kay His Majesty King Hamad Bin Isa Al Khalifa ng Bahrain na nagbigay ng kautusan sa kinauukulang mga awtoridad ng naturang bansa noong nakaraang araw ng Pasko.

Bukod sa tulong na mapabilis ang repatriation ng undocumented na mga batang Pilipino­,  nangako rin si His Ma­jesty King Hamad bin Isa Al Khalifa na haha­rapin ang isyu ng pagpoproseso ng mga aplikasyon sa flexi-visa na magre-regularize sa pananatili ng may 1,000 manggagawang Pilipino sa Bahrain.

Ang dalawang menor de edad  ay kasama sa 50 undocumented na batang Pilipino na ipinanganak sa Bahrain na tinukoy ng embahada ng Pilipinas sa Bahrain sa ilalim ng Oplan Kaba­taan program nito para sa repatriation.

AL KHALIFA

KING HAMAD BIN

RO­BERT BORJE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with