'Fil-Ams' damay sa planong visa requirement ni Duterte sa mga Amerikano, sabi ng US senator
MANILA, Philippines — Hindi lang mga puti't mga itim ang maaapektuhan ng planong visa requirement ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Amerikano — kasama rin daw sa mapeperwisyo ang ilang Pilipino, babala ng isang senador mula Estados Unidos.
Matatandaang iniutos ni Duterte na hingian ng visa ang mga Amerikanong papasok ng Pilipinas matapos ipa-ban ng Estados Unidos sa kanilang bansa ang mga opisyal na responsable sa pagkakakulong ni Sen. Leila de Lima.
"Illinois is produly home to a vibrant, hardworking Filipino community," sabi ni Illinois Sen. Dick Durbin sa isang tweet.
"The Duterte regime should stop threatening the travel of these Filipino-Americans and so many othes who travel between our nations, and instead release Senator de Lima or assure a quick and credible trial."
Read my statement on the continued detention of Philippine Senator Leila de Lima by the government of the Philippines and President Rodrigo Duterte: pic.twitter.com/e4nsS8rvuy
— Senator Dick Durbin (@SenatorDurbin) December 30, 2019
Patuloy pa niya, insulto sa Fil-Am community at demokrasya ng Pilipinas ang taktika ni Duterte.
Si Durbin ay kasama sa dalawang US senators na pinagbabawalang makapasok sa Pilipinas dahil sa ambag nila sa mga panibagong sanctions ng Amerika sa ilang Filipino government officials.
"Agarang inaatasan ng presidente ang Bureau of Immigration na harangan sina US Senators Dick Durbin at Patrick Leahy... ang mga utu-utong mambabatas ng Amerika na naghain ng nasabng probisyon sa US 2020 budget, sa pagpasok sa bansa," wika ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa Inggles noong ika-27 ng Disyembre.
Kasama rin sa nasabing probisyon ang panawagan para mapalaya sina De Lima at pagtigil ng Philippine government sa "panggigipit" kay Rappler chief executive officer Maria Ressa.
Dati na ring nanawagan ang Embahada ng Pilipinas sa Washington na respetuhin ng Amerika ang batas ng bansa pagdating sa mga kaso ng dalawa.
- Latest