^

Bansa

Litrato ng sumukong NPA dinoktor

Ratziel San Juan - Pilipino Star Ngayon
Litrato ng sumukong NPA dinoktor
Ang umano’y dinoktor na litrato ng mga sumukong NPA.

Ibestigasyon ikinasa

MANILA, Philippines — Iimbestigahan ng Phi­lippine Army ang umano’y pinekeng litrato ng mga sumukong rebeldeng New People’s Army.

“Iimbestigahan namin at papanagutin ang mga lumabag sa patakaran sa paglalabas ng impormasyon,” sabi ni Philippine Army spokesperson Lieutenant Colonel Ramon Zagala sa isang napaulat na  pahayag.

“Ang paglalabas namin ng impormasyon ay batay sa seguridad, accuracy,  policy at propriety,” dagdag niya.

Binatikos kamakalawa ng mga netizen ang manipulated pictures na ipinalabas ng Philippine Army kaugnay ng sinasabing pagsuko ng ilang miyembro ng NPA.

Ang imahe ng hanay ng mga sinasabing sumukong rebelde ay lumilitaw na nakapatong sa larawan ng mga ripple na magkakatabi sa isang mesa. Pero lumalabas sa pananaliksik na me­ron na ring ganitong la­rawan ng umano’y rebel returnees na ipinalabas ng militar noong 2017.

Isang opisyal ng 2nd Infantry Battalion na nakabase sa Masbate ang nagsabing ang datos na ipinalabas ng militar noong Biyernes ay consolidated number ng mga surrenderers mula noong Abril. Ang larawan ay recycled anya.

Ayon naman sa taga­pagsalita ng 9th ID ng PA na si Major Ricky Aguilar, walang intensiyon dito na manlinlang. Ito ay para pangalagaan lang ang identidad ng mga dating rebelde. Gayunman, humingi si Aguilar ng paumanhin sa pangyayari.

Kasabay nito, iniutos na rin kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang imbestigasyon sa mga sangkot sa pagmamanipula ng naturang litrato.

Sinabi ni Lorenzana na papatawan ng parusa ang mga uniformed personnel na sabit sa pag-photoshopped ng litrato ng mga dating rebelde at lumang baril para ipakita na ang mga indibidwal rito ay kailan lang sumuko sa mga awtoridad.

DELFIN LORENZANA

NPA

RICKY AGUILAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with