Tahong sa 19 lugar bawal kainin
MANILA, Philippines — Bawal kainin ang shellfih products mula sa 19 lugar sa bansa.
Ito ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay dahil sa mataas na level ng lason ng red tide na nakita sa mga baybayin batay sa latest water sampling na ginawa ng ahensiya.
Ayon sa BFAR, bawal kunin, ibenta at kainin ang shellfish products tulad ng tahong, talaba at halaan mula sa baybayin ng Bataan sa Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal gayundin sa Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City Palawan; Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City Bohol; Irong-irong, San Pedro at Silanga Bays sa Western Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samay; Cancabato Bay, Tacloban City Leyte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na ang BFAR sa mga local chief executives sa nabanggit na mga lugar na huwag payagan na makarating sa mga palengke at pamilihan ang anumang shellfish products para makaiwas sa aberya at malason sa red tide.
Ang mga makakakain ng shellfish na may red tide ay maaaring magsuka, magka-diarrhea, sumakit ang kalamnan o maaaring ikamatay ng isang tao.
- Latest